Inanunsiyo noong October 2022 na si Kylie Verzosa ang nanalo na best actress sa 6th Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA).
Ito ay para sa kanyang mahusay na pagganap sa Philippine adaptation ng Korean movie na The Housemaid.
Lumipad siya sa Dubai para personal na tanggapin ang kanyang acting trophy sa award ceremony na ginanap noong November 4, 2022, sa Dubai Creek Harbour Marina sa Dubai, United Arab Emirates.
Binanggit ni Kylie sa acceptance speech nito ang kaligayahan na kanyang nararamdaman na ikinumpara niya sa tagumpay niya sa 56th Miss International noong October 2016.
"Six years when I won the Miss International title for the Philippines, it was such a joyous moment for me. Today, I feel like winning another crown, and, this time, for best actress.
"Nothing beats the feeling of winning something for your own country because of your own hard work.
"I would like to thank the DIAFA for this award. To my management back in the Philippines, to Boss Vic [del Rosario] for believing in me,” ang talumpati ni Kylie na suot ang Mark Bumgarner gown.

Inialay rin niya ang napanalunan na acting award sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.
"I would like to dedicate this award to all the Filipinos out there. To the hardworking Filipinos who have sacrificed their time, their happiness and their efforts for the sake of their country, but most of all, for their families.
"[As an actress], I believe that my responsibility goes beyond entertainment. I believe that my responsibility is to tell truthfully and honestly stories of hope and encouragement and that’s what The Housemaid just meant to me."

Ang best actress trophy mula sa DIAFA ang kauna-unahang international acting award ni Kylie na hindi malilimutan ang unang pagkakataon na pagtapak niya sa Dubai dahil kinilala ang kanyang husay sa pag-arte.
Pinuri ng mga film critic sa Pilipinas ang Philippine adaptation ng The Housemaid at ang pagganap ni Kylie, pero hindi nakatanggap ng mga nominasyon mula sa local award-giving bodies na labis na ipinagtaka ng direktor na si Roman Perez Jr., ang direktor ng pelikula.
Inisnab man si Kylie sa sariling bayan, nagkaroon naman ito ng magandang kapalit dahil sa parangal na ipinagkaloob sa kanya ng DIAFA.
Taong 2021 nang irelease ang The Housemaid sa Pilipinas. Hango ito sa 2010 South Korean film na pinagbidahan ni Jeon Do-Yeon, na kilala ng mga Pinoy dahil sa South Korean series na Lovers in Prague. Ang original version ng pelikula ay ipinalabas noong 1960.