PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Enriquez sa "fake news" na pumanaw na siya: “I’m alive!”

Character actress Loly Mara at singer Richard Merk, nabiktima ng fake news.
by Jojo Gabinete
Published Nov 10, 2022
Mike Enriquez
Parang apoy na mabilis na kumalat ang balitang sumakabilang-buhay ang beteranong broadcaster na si Mike Enriquez ngayong Huwebes, November 10, 2022, dahil sa Facebook post ng ilang celebrities. Pero mabilis na pinabulaanan ng GMA Network ang "fake news" dahil buhay na buhay si Mike.
PHOTO/S: GMA Corporate Communication

Excuse me po, pero walang katotohanan ang balitang pumanaw ang batikang newscaster na si Mike Enriquez ngayong Huwebes ng umaga, November 10, 2022.

Buhay na buhay si Mike.

Read: Bakit nga ba naging biktima ng death hoax si Mike Enriquez?

Parang apoy na mabilis na kumalat ang balitang sumakabilang-buhay si Mike dahil sa Facebook post ng singer na si Richard Merk na nakiramay sa diumano’y naulilang pamilya ng Kapuso broadcast journalist.

Nakasaad sa Facebook post ni Richard: “Rest in peace Tito Mike. We will all miss you. A great loss to the news industry. Labyu Tito. My sincere condolences to your loving family and friends. Enjoy the company of our dear creator in heaven.”

richard merk post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipag-ugnayan agad ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa GMA Network, Inc. management para mabigyang-linaw ang balita.

Itinanggi nila ang balita dahil buhay na buhay raw si Mike at kasalukuyan itong nasa tahanan nila ng kanyang asawa.

Nang hingin namin ang reaksiyon ni Richard, sinabi nitong nakita lamang niya ang Facebook post ng character actress na si Loly Mara, na kaibigan umano ng asawa ni Mike.

Nang silipin namin ang Facebook account ni Loly, hindi pa niya binubura ang kanyang post tungkol sa diumano’y pagpanaw ni Mike.

Nakasaad dito: "This photo with Mike Enriquez and his wife was taken 3yrs ago at Nora Trajano’s bday. I’m glad I saw Mike after many years and now he’s happy in heaven with the Lord. Rest in peace dear Mike."

mike enriquez post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang isang oras, muling nag-post si Loly tungkol kay Mike upang humingi ng paumanhin dahil sa kanyang nagawang pagkakamali.

“Some persons told me that Mike Enriquez is very much alive! The news I got about his passing was few years ago. Many condoled and no one said otherwise.

“I’m very very sorry if it was a fake news. Forgive me Mike! Sabes que te quiero mucho mi amor [Sa Tagalog, alam mo na mahal na mahal kita my love],” ang paumanhing ipinarating ni Loly kay Mike.

loly mara post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mismong si Mike ang sumagot sa mga tawag sa kanyang mobile phone mula sa mga kaibigan niyang nag-alala nang makarating sa kanila ang malungkot ngunit ipinagpapasalamat nilang isang fake news lamang.

“I’m alive!” bungad na sagot ni Mike sa mga tumawag sa kanya sa mobile phone niya, kabilang ang kanyang kapwa Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio.

Nag-post din si Arnold sa FB page nito upang ipaalam na "fake news" ang kumakalat na balita tungkol sa pagkamatay ni Mike.

Sabi niya: “Mga minamahal, nakausap ko po si Ama, Mr. Mike Enriquez. Buhay na buhay at ang kanyang mensahe: FAKE NEWS!”

Hindi masisi ang pagkabahala at pagkagulat na reaksyon ng publiko tungkol sa kumalat na balita dahil matagal nang hindi napapanood si Mike sa 24 Oras. May kinalaman ito sa kanyang medical leave, mula nang sumailalim siya sa kidney transplant procedure noong December 2021.

Read: Mike Enriquez takes medical leave from 24 Oras, GMA News duties

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aral para sa lahat ang mga pangyayari, lalo na sa mga taong hindi na natuto at itinuturing na isang scoop news ang kamatayan at nakikipag-unahan sa pagkakalat ng balita, gamit ang kanilang mga social media account.

Dapat isaisip ng lahat na tanging ang mga miyembro ng pamilya ang puwedeng magkumpirma tungkol sa pagpanaw ng isang nilalang na isang pagpapakita ng respeto sa mga naulila na kamag-anak, pati na sa taong sumakabilang-buhay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang apoy na mabilis na kumalat ang balitang sumakabilang-buhay ang beteranong broadcaster na si Mike Enriquez ngayong Huwebes, November 10, 2022, dahil sa Facebook post ng ilang celebrities. Pero mabilis na pinabulaanan ng GMA Network ang "fake news" dahil buhay na buhay si Mike.
PHOTO/S: GMA Corporate Communication
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results