Miss Planet International 2022 sa Uganda, kanselado na?

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2022
miss planet international 2022
Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow (in pink gown), Miss Planet Philippines Herlene Budol (in white gown), and Miss Planet Jamaica Tonille Watkis (with flag).
PHOTO/S: Instagram

Ang mga social media post nina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow, Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, at maging ng manager ni Miss Planet Philippines Herlene Budol ang mga katibayang may problema ang mga kandidata at ang mga organizer ng Miss Planet International.

Read: Herlene Budol, pambato ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022

Nakatakda sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 sa Speke Resort, Kampala, Uganda. Pero ayon sa mga social media post nina Sparrow at Watkis, kanselado na ang international beauty pageant na kanilang lalahukan.

Sinabi ni Sparrow na hindi na siya puwedeng manahimik tungkol sa mga nagaganap na anomalya kaya hinimok niya ang publiko na ibahagi sa social media ang kanyang mga hinaing.

Pahayag ni Miss Planet Czech Republic: “I have to apologize but unfortunately, we were robbed. We haven’t had even 10% of activity, nothing was paid nor our accommodation nor our food.We’re stuck in Uganda.

“We have been trying to solve it, even those who were not involved into the pageant paid their own money to keep our fed [sic] and safe.

“I couldn’t be silent anymore. I apologize for everybody who put a lot of effort in us monetary or mentally wise. But this has to be seen by public. Please share.

"35 contestants [who hasn’t left yet] were scammed.”

tamila sparrow post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan naman ni Watkis ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya pero kinumpirma niyang hindi na matutuloy ang Miss Planet International 2022, kahit hindi pa naglalabas ng opisyal na ang Miss Planet International Organization.

“Thank you for all your support up until this moment. Unfortunately, the competition has been canceled.

“But it was such an honor to have the chance to representy my beautiful Jamaica again,” pahayag ni Watkis, na naging kinatawan ng Jamaica sa 10th Miss Supranational na ginanap sa Poland noong December 7, 2018.

Hindi pa nagsasalita si Herlene tungkol sa mga kinakaharap nilang problema at sa balitang mabilis na nakarating sa Pilipinas na "nabudol" siya sa beauty pageant na sasalihan.

Pero ang kanyang manager na si Tolentino ang nagbigay ng detalye sa mga nangyayari sa Uganda.

Facebook post ni Tolentino (published as is): “Sa mga concern netizens at mga nagtatanong ng UPDATE sa MISS PLANET INTERNATIONAL kung totoo ba cancelled ang event, eto ang kwento...

"lagpas kalahati ang hindi nakapasok sa Africa dahil wala silang Yellow Vaccine fever at ang sponsors ng organisasyon tulad ng Speke Resort, Kampala na matitirahan ng delegate ay nag back- out dahil sa issues ng Ebola Virus.

“Nagkaroon sila ng PLAN B at linagay nila sa Zara Gardens ang delegates kahapon. Subalit di pa naka-settle ang nasabing hotel kaya need mag-check out uli ang mga candidata.

“So, kanya-kanyang diskarte muna sa pagkuha ng kanilang matitirahan sa Airbnb at di naman natin masisi sari-saring emosyon ang bawat candidata, epekto sa hindi maayos ang systema at hindi nakapagkain ng tamang oras mga candidata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May apat hanggang anim nag-withdraw dahil mauubusan ang budget kung tumagal pa sila sa Uganda.

“First time nag-host ng international pageant ang bansang Uganda kaya hindi naka-align sa original plan ang calendar activities.

“Ang CEO ng MPI ay darating sa November 12. Wait na lang po natin ang official statement mula sa organisasyon but rest assured, we are all safe buong Team Philippines.

“Hindi man maganda experience naranasan namin dito but we are proud to say that we are survivor in our own way.

“Tumuloy man o hindi ang pageant, in good faith tayo lumaban at pinaghandaan. We will keep you posted as soon as we have an additional information. Thank you!”

Alam ni Wilbert ang buong pangyayari dahil magkasama sila ni Herlene sa Uganda.

Magkasabay silang umalis mula sa Pilipinas noong November 3 patungo sa Uganda.

Nagkaroon agad ng problema nang lumapag sila sa naturang bansa dahil nawala sa airport ang bahagi ng National Costume na gagamitin ng Filipino beauty queen-actress na unang pahiwatig na magkakaroon ng problema sa patimpalak na lalahukan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Herlene Budol distraught over delayed baggage arrival in Uganda; asks help from Ethiopian Airlines

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow (in pink gown), Miss Planet Philippines Herlene Budol (in white gown), and Miss Planet Jamaica Tonille Watkis (with flag).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results