Ang maghinay-hinay sa pagtanggap ng sexy roles sa mga proyekto ang payo ni Michelle Vito sa boyfriend na si Enzo Pineda.
Nauunawaan ng aktor ang pinagmumulan ng malasakit sa kanya ng girlfriend.
Read: Enzo Pineda recalls pregnancy rumor about girlfriend Michelle Vito
“Nirerespeto ko kung ano yung gusto ni Michelle and I understand where she’s coming from,” pahayag ni Enzo sa digital media conference ng Call Me Papi tungkol sa isyu ng paghihigpit sa kanya ni Michelle sa pagtanggap ng mga pelikulang may mapupusok na eksena kaya kailangan niyang magpakita ng hubad na katawan.
Patuloy niya, “Siguro sa roles na ginawa ko before, I can say that I’ve been through a lot of sexy roles.
“Ang advice lang ni Michelle sa akin, maghinay-hinay kasi may tendency na baka ma-typecast na lang ako sa mga sexy role at hindi na ako makapag-progress or makakuha ng ibang roles. Siguro, hinay-hinay lang.
“For me, as an actor, it’s very important na, at least, you try to do this type of role once in your life para masabi mo na nagawa mo siya.
“Saka nagkataon naman na lahat ng sexy roles na ginampanan ko, actually magkakaiba naman po lahat, hindi naman same story as the other.
“Kumbaga, sexy pero iba yung genre ng sexiness. Ako naman, I just have to be conscious about it kasi siyempre, as na artista, maraming ibang tao who look up to us, iniidolo kami.”
Nang magawi sa pagpapakasal ang paksa sa naganap na media conference, nagsalita si Enzo na titiyakin nitong magsasama sila sa hirap at ginhawa ng babaeng pakakasalan niya.
Saad niya, “Kung ikakasal ako, I will make sure na that person is the one through thick and thin, especially nowadays, maraming nagpapakasal, naghihiwalay rin in the end, so parang nasisira yung value ng marriage.
“I guess, kung gusto natin ikasal someday, we have to make sure that this person is the one.
“Of course, iisipin ng mga tao, marriage is a gateway to happiness na kapag ikinasal ka, magiging masaya ang buhay mo.
"And from my understanding, kapag yung couples may pinagdadaanan sa buhay, hindi naman porke’t ikinasal ka, expect mo na sasaya ang buhay mo.
“Kapag ikinasal ka, expect that you are committed to the person through thick and then and that’s how I understand marriage.”
Ang Call Me Papi ang unang pelikula ni Enzo na magkakaroon ng theatrical release matapos ang matagal na pagsasara ng mga sinehan dahil sa coronavirus pandemic kaya inabot ng tatlong taon bago natapos ang shooting ng naturang proyekto.
Sina Albie Casiño, Lharby Policarpio, Aaron Concepcion, at Royce Cabrera ang mga co-star ni Enzo sa pelikulang ipalalabas sa mga sinehan sa December 7, 2022.