Umaasa ang mga nagmamalasakit na kaibigan at kamag-anak ng ex-couple na babalik sa dati ang kanilang magandang samahan at gagamutin ng panahon ang sugat na nilikha ng malaking away nila kamakailan lamang.
Parehong sikat sa entertainment industry ang showbiz couple na nag-away at naghiwalay noon pero nagkasundo at naging magkaibigan alang-alang sa kapakanan ng kanilang pamilya.
Subalit makalipas ang maraming taon na matagal na pagkakasundo, hindi na uli nag-uusap ang ex-showbiz couple.
Diumano, higit na matindi at malalim ang kanilang hidwaan ngayon kaya iniiwasan nila ang isa’t isa.
Napatunayan naming may sigalot sa pagitan ng dating mag-asawa dahil sa isang nakaraang press conference, mahigpit ang pakiusap ng aktres na huwag na huwag itong tanungin tungkol sa kanyang dating asawa.
Iginalang ng entertainment writers ang hiling ng aktres.
Lalong nakumpirma ang kanilang grabeng alitan dahil hindi na nila sinusubaybayan ang mga social media account ng bawat isa.
Kilala sa pagiging matapat o honest to a fault ang ex-husband ng aktres, pero sa isang showbiz event, naging maingat siya sa pagsasalita tungkol sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon bilang magkaibigan.
Ito ay dahil niiwasan niyang malaman ng publiko ang malaking problema na pinagdaraanan nila.