PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amay Bisaya, hindi totoong yumao na; gagawa pa ng pelikula

Amay: "Maraming naninira, e!"
by Jojo Gabinete
Published Nov 20, 2022
Amay Bisaya Facebook profile photo.
Ayon kay Amay Bisaya, marami lang naninira sa kanya kaya may nagkalat na yumao na siya.
PHOTO/S: Facebook

Dalawang beses na tawag sa telepono na malalim na buntong-hininga lamang ang maririnig mula sa kabilang linya ang aming natanggap ngayong Linggo nang umaga, November 20, 2022.

May kinalaman ang tawag sa text message na ipinadala namin sa cellphone number ng comedian na si Amay Bisaya na napabalitang pumanaw kahapon sa edad na 64.

Kung totoo man na sumakabilang-buhay na si Amay, nagbakasakali kami na hawak ng isang kamag-anak niya ang kanyang cellphone at maaaring ito na ang makasagot sa aming mensahe tungkol sa mga detalye ng “pagpanaw” ng komedyante.

Hindi namin inisip na “nagpaparamdam”o “nagmumulto" si Amay, dahil hindi sumasagot ang tumatawag sa aming telepono kaya kami na ang nag-dial sa mga numero ng kanyang cellphone.

Lo and behold! Isang buhay na buhay na Amay ang sumagot at mariin na itinanggi ang balitang kumalat sa social media na namatay na siya.

“Paninira yan! Hindi totoo iyon. Maraming naninira, e,” ang reaksyon ni Amay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okey naman ang kalusugan ko. Wala akong sakit.

"Lahat ng mga naninira sa akin, ipinagpapasa-Diyos ko na lang, kasi wala naman mangyayari.

"Kung masaya sila, makonsiyensya naman sila sa ginagawa nila,” ang sabi ni Amay.

Mabilis na nagpasalin-salin ang fake news na pumanaw na si Amay dahil sa interbyu sa kanyang kaibigan na si Aimee Torres, ang original singer ng hit song na "Pusong Bato."

Amay Bisaya death news

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Amay Bisaya death news

Amay Bisaya death news

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dokumentado ang video recorded interview kay Aimee na nagpahayag ng kalungkutan tungkol sa “paglisan” ni Amay na nakausap lamang niya noong Biyernes nang gabi, November 19.

Aniya, “Sabi ni Tito Amay, ‘Pupunta ako sa birthday [party] ng daddy mo.' Kaya sabi ko, ‘O sige, see you.’

“And then, nabalitaan ko na lang kay Francis K., kay Direk [Kaka Balagtas], kay Tito Jessie [action star Jess Sanchez] na he passed away na, so nagulat na lang ako sa balita.

“Siguro mga twenty minutes [kami nag-usap ni Tito Amay]. Sabi niya, ‘Kumusta ka na?’

“'Tapos sabi niya, okey naman daw siya. So hindi naman niya sinabi na... baka may nararamdaman na siya. Siguro, ayaw lang niyang magsabi na he’s not feeling well. Nagulat na lang talaga ako na he passed away na.”

Ayon kay Amay, nagkausap na sila ni Aimee nitong Linggo nang umaga at nagulat din ang singer dahil buhay na buhay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling iginiit ni Amay na walang katotohanan ang fake news at binanggit niya ang plano na ituloy ang pelikula na kanyang gagawin at pagbibidahan, ang Islaw Palitaw, Siga ng Tondo.

Naghain si Amay ng kandidatura sa pagka-gobernador ng Bohol noong 2018 pero hindi na ito matandaan ng comedian nang mapag-usapan namin ang kanyang political career.

Nang itanong namin ang kanyang edad, “60 plus” lamang ang isinagot ni Amay pero 64 na ito sa kasalukuyan, base sa 60 na edad niya nung mag-file siya ng certificate of candidacy noong October 18 para sa pinangarap niyang gubernatorial post sa lalawigan ng Bohol.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Amay Bisaya, marami lang naninira sa kanya kaya may nagkalat na yumao na siya.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results