PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Friends of Edgar Mortiz fall victim to actor scammer

Edgar Mortiz, hiningan ng impormasyon ng scammer na aktor.
by Jojo Gabinete
Published Nov 22, 2022
edgar mortiz
Nakatanggap ng mensahe sa Facebook Messenger ang actor-director na si Edgar Mortiz mula sa isang kapwa aktor na nagtanong ng email address at cellphone number niya para idagdag umano sa Yahoo address book nito. Ilang sandali ay nakatanggap ng mensahe ang mga anak at kaibigan ni Edgar na nanghihiram ng pera.
PHOTO/S: @direkbobot on Instagram

Nabiktima ng hacking ang veteran actor-director na si Edgar Mortiz nitong Lunes ng gabi, November 21, 2022.

Bago nangyari ang hacking sa Facebook account ni Edgar, nakatanggap siya ng mensahe sa kanyang Messenger mula sa isang kapwa aktor na nagtanong ng email address at cellphone number niya para idagdag umano sa Yahoo address book nito.

Dahil magkakilala sila, nagtiwala si Edgar sa aktor na humingi sa email address at cellphone number niya.

Makalipas ang ilang sandali, nakatanggap ng mensahe sa Facebook Messenger ang mga anak at ilang kaibigan ni Edgar mula sa isang taong nagpakilalang si “Edgar.”

Nanghihiram ng pera si "Edgar" dahil kailangang-kailangan umano niya, kasunod ang pangakong ibabalik kaagad ang hinihiram na salapi na ipadadala sa kanya sa pamamagitan ng GCash mobile wallet at money transfer.

Natunugan agad ng mga anak ni Edgar na na-hack ang Facebook account ng kanilang ama dahil sa hindi normal na mensahe nito ng pangungumusta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasamaang-palad, dalawa sa mga kaibigan ni Edgar ang nalinlang dahil napaniwala sila na ang kaibigan nilang aktor at direktor ang nagpadala ng mensahe sa kanila.

Fifty thousand pesos ang ipinadala ng isang kaibigang direktor ni Edgar sa hacker/scammer sa pamamagitan ng Gcash.

Forty thousand naman ang ibinigay ng isa, gamit pa rin ang nabanggit na online money transfer at mobile wallet.

Nang malaman ng direktor na kaibigan ni Edgar na biktima ito ng hacking, tinanong niya agad si Edgar kung kanino nito ipinagkatiwala ang mga impormasyon tungkol sa kanyang Facebook account.

Sinabi ni Edgar na tanging ang aktor na nagtanong ng kanyang email address at cellphone number ang pinagkatiwalaan niya.

Agad na nag-imbestiga ang direktor na nakuhanan ng P50,000, at nanlumo siya sa kanyang natuklasan tungkol sa hacker/scammer.

Dahil dito, nagsadya ang direktor sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division nitong Martes ng umaga, November 22, para i-report ang naganap na krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpunta naman ang kaibigan ni Edgar, na nagpadala ng P40,000 sa impostor, sa Anti-Cyber Crime Group ng Philippine National Police Criminal and Investigation Group upang idulog ang panlolokong ginawa sa kanya.

Kumpleto ang mga ebidensiya—kabilang ang mga screenshot ng Gcash account at pangalan ng tumanggap ng pera na ipinadala nila—na inihain ng mga complainant sa NBI at PNP CIDG laban sa hacker/scammer ng Facebook account ni Edgar.

Umaasa ang mga biktima na matutukoy at matutunton ng mga alagad ng batas ang manlilinlang na ginamit ang social media account ni Edgar para makapanloko ng kapwa at kumita ng pera sa masamang paraan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatanggap ng mensahe sa Facebook Messenger ang actor-director na si Edgar Mortiz mula sa isang kapwa aktor na nagtanong ng email address at cellphone number niya para idagdag umano sa Yahoo address book nito. Ilang sandali ay nakatanggap ng mensahe ang mga anak at kaibigan ni Edgar na nanghihiram ng pera.
PHOTO/S: @direkbobot on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results