PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Wife discovers husband actor is cheating on her

Aktor na nangangaliwa, isinumbong ng showbiz couple sa legal wife nito.
by Jojo Gabinete
Published Nov 24, 2022
blind item
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Nasaktan nang husto ang legal wife nang malaman niyang may lihim na relasyon ang kanyang asawang aktor at ang co-star nitong aktres sa isang TV show.

Kinausap ng legal wife ang aktor pero nanindigan itong walang katotohanan ang balitang nakarating sa misis niya.

Hindi naniwala ang legal wife sa paulit-ulit na pagtanggi ng asawa niya. Kahit wala siyang nakitang mga ebidensiya, ang kaibigan nilang showbiz couple ang nagsabi sa kanyang pinagtataksilan siya ng mister na aktor.

Magkasama sa programa ang asawa ng legal wife at ang isa sa showbiz couple. Ito ang saksi sa matamis na paglalambingan na nangyayari sa set sa pagitan ng aktor at ng aktres.

Dahil sa pagmamalasakit nila sa legal wife, kinausap ito ng showbiz couple at sinabihang bantayang mabuti ang kanyang asawa para hindi mawasak ang pamilya nila.

Mula noon, naging mapagmasid ang legal wife sa bawat kilos ng mister nito kaya napansin niya ang malaking pagbabago sa pananamit at madalas na paggamit ng pabango ng kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil hindi umamin ang aktor, pinili ng legal wife na manahimik at sarilinin ang pagdurusa, kahit naniniwala siyang may katotohanan ang isiniwalat ng showbiz couple na nagmalasakit sa kanya.

Bumalik din sa alaala ng legal wife na nagkaroon ng relasyon ang aktres sa kanyang asawa noong binata pa ito kaya hindi nakapagtatakang maaaring muling nag-alab ang pagmamahalan ng dalawa nang magkasama sa isang TV project.

Nagkikita ang legal wife at ang aktres sa mga showbiz gathering, pero civil lamang ang pakikitungo ng una sa huli dahil dinaramdam pa rin niya ang “pagtataksil” na ginawa sa kanya.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results