Ang Shake, Rattle & Roll 13, na official entry sa 37th Metro Manila Film Festival noong December 2011, ang huling horror film project ni Louise delos Reyes.
READ: Louise delos Reyes recalls away-bati relationship with Alden Richards during One True Love
Kaya natutuwa ang aktres dahil kalahok sa 48th Metro Manila Film Festival na magaganap sa susunod na buwan ang Deleter.
Directed by Mikhail Red, isa itong horror-thriller movie tampok si Nadine Lustre, Louise, at McCoy de Leon.
"Sobrang excited ako na kami lang ang entry na horror sa MMFF this year. We are very excited kasi iba naman yung ihahain namin sa audience, ibang takot," ang nakangiti na pahayag ni Louise.
Humarap si Louise sa face-to-face press conference ng Deleter noong Martes, November 22, 2022.
"Pangalawang MMFF entry ko na ang Deleter tapos horror movie rin ang last entry ko [ang Parola episode ng Shake, Rattle & Roll 13] and I am excited to return.
"Medyo mababa ang boses ko [ngayon] dahil nag-dub ako kahapon. Sigaw ako nang sigaw so ma-imagine niyo kung ano pa yung mga mapapanood ninyo.
"After namin gawin yung mga eksena sa Deleter, nararamdaman namin. At the same time, natatakot din kami na parang, 'Oh my god! Baka sumunod sa bahay namin!'
"Pero hindi naman. Nakakapagpag kami before umuwi."
Nakadagdag sa galak na nararamdaman ni Louise ang oportunidad na ibinigay sa kanya, ang makatrabaho sa unang pagkakataon si Mikhail na alam niya na isang mahusay na direktor.
"First time ko makatrabaho si Direk Mikhail. Kapag film enthusiast ka, nasa radar mo kasi si Direk kasi tumatatak ang lahat ng movies na ginawa niya sa kanyang napili na genre.
"Nung malaman ng friend ko na makakatrabaho ko si Direk, ang sabi niya. 'Oh my god! Ano naman kaya ang naisip niya? Anong creativity na naman ang nailabas niya sa kanyang utak?"
Nanawagan si Louise sa publiko na tangkilikin ang Filipino films sa MMFF 2022 sa Disyembre.
"Kailangan natin na suportahan ang sariling atin. Sana suportahan ang MMFF para hindi tayo puro keyboard warriors.
"Ipakita natin na pumupunta tayo sa mga sinehan. Nanonood na ako ng sine kasi nakaka-miss talaga.
"Marami na akong napanood, kahit noong magsimula na magbukas ang mga sinehan.
"Saka nakakangalay na nakatutok ka lang sa phone. Iba pa rin ‘yung Dolby [sound] sa mga sinehan."