PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz history: Regine Velasquez, Utha Likumahuwa 1989 contest

Kelvin Miranda and Ally Gonzales release cover version of "Gusto Kita."
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2022
Regine Velasquez, Utha, Ally Gonzales, and Kevin Miranda
Sa paglabas nina Kelvin Miranda and Ally Gonzales (right) ng cover version ng "Gusto Kita," inalala ng Cabinet Files ang Indonesian singer na si Utha, na nakalaban ni Regine Velasquez sa isang international contest noong 1989 (left).
PHOTO/S: YouTube / File

Humarap sina Kelvin Miranda at Ally Gonzales sa mga miyembro ng entertainment press nitong Sabado ng hapon, November 26, 2022 para ibalita ang kanilang bagong collaboration.

Naglabas sila ng cover version ng "Gusto Kita," ang hit song ni Gino Padilla noong 1991.

Ang GMA Music ang producer ng collaboration song nina Kelvin at Ally, na kapwa pinatunayan na may karapatan sila na kumanta dahil sa magagandang timbre ng kanilang mga boses.

Nabigyan nina Kelvin at Ally ng hustisya ang kanilang sariling bersyon ng "Gusto Kita" na malakas ang last song syndrome at may hatid na kilig sa mga kabataan na music lover na kagaya nila.

Anak si Ally ng aktor na si Allyson VII na pumanaw noong May 8, 2021 dahil sa massive heart attack, kaya hindi na nasubaybayan ng kanyang ama ang mga magaganda na nangyayari ngayon sa kanyang singing career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TRIVIA ABOUT GINO PADILLA'S "GUSTO KITA"

Si Gino Padilla ang isa sa mga pinasalamatan ni Ally sa face-to-face presscon nila ni Kelvin dahil, ayon sa kanya, ang nabanggit na mang-aawit ang original singer ng "Gusto Kita."

Gino Padilla

May katotohanan ang sinabi ni Ally dahil si Gino ang kumanta ng Tagalog version ng "Gusto Kita," pero nagmula ito sa Indonesian song na "Sesaat Kau Hadir" (English translation "The Moment You’re Present"), na inawit ng Indonesian singer na si Utha Likumahuwa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang "Sesaat Kau Hadir" ang song entry ng Indonesia sa ASEAN Pop Song Festival na ginanap sa Maynila noong 1989.

Si Utha ang ginawaran ng parangal na second best performance, at ang "Sesaat Kau Hadir" ang hinirang na first best song sa nasabi na song festival.

Utha

REGINE VELASQUEZ AND UTHA at a 1989 int'l contest

Nakatunggali naman ni Utha si Regine Velasquez sa Asia Pacific Singing Contest na idinaos sa Hong Kong noong 1989 din. Nineteen years old lamang noon si Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Regine ang tinanghal na grand champion at ang "You’ll Never Walk Alone" ang kanyang winning piece; samantalang si Utha na umawit ng "Sealed With a Kiss" ang first runner-up niya sa 1989 Asia Pacific Singing Contest.

Sa winning moment ni Regine, pinabilib niya lalo ang mga manonood sa kanyang pagkanta ng "And I Am Telling You," kunsaan nagkaroon pa sila ni Utha ng very sportsmanlike shared mic moment.

Utha and Regine Velasquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 1991, isinalin sa wikang Tagalog ang "Sesaat Kau Hadir," binigyan ng pamagat na "Gusto Kita," at ipinakanta kay Gino, na kinikilala na si Utha ang orihinal na mang-aawit ng Indonesian version ng kanyang hit song.

Sumakabilang-buhay si Utha sa edad na 56 noong September 13, 2011 dahil sa stroke.

Hindi pa isinisilang sina Kelvin at Ally nang pasikatin ni Utha ang Sesaat Kau Hadir kaya hindi nakapagtataka na hindi pa nila nalalaman ang tunay na kasaysayan ng kanilang collaboration song na binuhay at inawit din ni Ronnie Liang noong 2007.

Hindi lamang sina Gino, Ronnie, Kelvin at Ally ang may cover version ng "Gusto Kita" dahil ni-record ito nina Daniel Padilla, Khalil Ramos, at Enrique Gil noong 2012 para sa kanilang dating primetime program sa ABS-CBN, ang Princess and I.

Princess and I: Khalil Ramos, Enrique Gil, and Daniel Padilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa paglabas nina Kelvin Miranda and Ally Gonzales (right) ng cover version ng "Gusto Kita," inalala ng Cabinet Files ang Indonesian singer na si Utha, na nakalaban ni Regine Velasquez sa isang international contest noong 1989 (left).
PHOTO/S: YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results