PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval posts IG update after no-show at event

AJ Raval, nagkalaman pero mas sumexy ang katawan.
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2022
AJ Raval
AJ Raval, handa na ba ulit umarangkada sa paggawa ng sexy movies? Maaliwalas ang mukha at mas sumexy si AJ sa kanyang photo update sa Instagram ngayon.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram

Hindi dumalo si AJ Raval sa Zoom media conference ng Us X Her noong October 21, 2022, wala siya sa special screening ng pelikula noong November 21 sa Gateway Cinemaplex, at hindi rin aktibo sa social media kaya marami ang nagtataka sa kanyang pananahimik.

READ: Angeli Khang, wish mabawasan ang sexy scenes sa pelikula; AJ Raval, no-show sa presscon ng "Us x Her"

Kahapon, November 26, tinapos ni AJ ang social media sabbatical nito dahil nag-post siya sa kanyang Instagram ng "Happy Holidays" photo para sa mga supporter at followers niya.

Kinumpirma ng isang malapit kay AJ na bagung-bago ang mga litrato nito na nagpapakita sa sexy star sa tabi ni Santa Claus at ng isang Christmas tree.

Maaliwalas ang mukha, medyo nagkalaman ang katawan at lalong lumusog ang dibdib ni AJ sa larawan na inilabas niya sa social media, pero bumagay sa kanya dahil payat na payat siya sa mga eksena nila nina Kiko Estrada at Angeli Khang sa Us X Her.

Ang Us X Her ay ang sexy drama movie na nag-umpisa ang streaming sa Vivamax noong Biyernes, November 25.

Ikinagalak ng mga kalalakihan na tagahanga ni AJ ang mga Christmas photo na inilabas ng sexy star na tila pahiwatig na handa na siya na maging aktibo sa paggawa ng mga pelikula.

Ang Us X Her ang huling proyekto ni AJ para sa 2022.

Malaki ang posibilidad na muli silang gumawa ng pelikula ng kanyang paborito na direktor na si Roman Perez, Jr. kapag handang-handa na si AJ na muling humarap sa kamera makalipas ang ilang buwan na pananahimik at pagpapahinga.

Malaki ang tiwala at kumportableng-komportable si AJ kay Roman dahil ito ang nagbigay sa kanya ng mga proyekto na Taya, Sitio Diablo, at Iskandalo na sumubok sa kakayahan niya bilang baguhan na aktres.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval, handa na ba ulit umarangkada sa paggawa ng sexy movies? Maaliwalas ang mukha at mas sumexy si AJ sa kanyang photo update sa Instagram ngayon.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results