Iwinasto ng Hollywood actor at Black Adam star na si Dwayne Johnson ang mga pagkakamali nito noong labing-apat na taong gulang lamang siya.
Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbalik sa isang branch ng 7-11 conveniece store sa Hawaii na kanyang regular na ninanakawan noon ng Snickers chocolates, dahil sa matinding kahirapan na dating pinagdaanan ng kanilang pamilya.
Ibinahagi ni Dwayne, na kilala rin sa tawag na The Rock, sa kanyang 349 million Instagram followers ang hindi niya makalilimutang karanasan, lalo na ang kabutihang ipinamalas ng 7-11 salesclerk na hindi siya kailanman sinita o pinahuli.
At bilang ganti, pinakyaw niya ang lahat ng Snickers chocolate bars na naka-display sa convenience store upang ipamigay sa mga customer.
Kuwento ni Dwayne (published as is), “I finally exorcised this damn chocolate demon that’s been gnawing at me for decades.
“We were evicted from Hawaii in ‘87 and after all these years — I finally got back home to right this wrong.
“I was broke as hell, so I used to steal a king sized @snickers EVERY DAY from 7-11 for almost a year when I was 14yrs old, on my way to the gym. The Snickers was my pre-daily workout.”
Patuloy niya, “The same clerk was there every day and always just turned her head and never busted me.
“I’ve exercised a few big demons over the years (I still have a few left;) so I know this one seems VERY SILLY, but every time I come back home to Hawaii and drive by 7-11…
“I always knew I needed to go in and clean out every Snickers bar they had — the right way. And as a bonus it was a lot of fun to take care of everybody who walked into 7-11 while I was there.
“Least I could do considering all the shit I used to steal from here.
“We can’t change the past and some of the dumb stuff we may have done, but every once in a while we can add a little redeeming grace note to that situation — and maybe put a big smile on some stranger’s faces.”
Nagtagumpay si Dwayne sa kanyang acting career at yumaman kaya may kakayahan na siyang bumili, hindi lamang ng bulto-bultong Snickers chocolates kundi magkaroon din ng franchise ng 7-11.
Tuwang-tuwa ang mga taong nakahalubilo ni Dwayne sa convenience store dahil siya ang nagbayad ng kanilang mga binili at malugod na pinagbigyan ang mga kahilingan para sa selfie photos.
Higit sa lahat, pinasalamatan niya ang salesclerk na nagpakita sa kanya ng kabutihan noong teenager pa siya.
“Thank you so much. I appreciate you,” pasasalamat ni Dwayne sa saleclerk na pinag-iwanan niya ng mga tsokolate na kanyang pinakyaw.
Bilin pa niya rito: “If somebody looks like they’re stealing Snickers, give them these so they don’t steal them.”