PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DJ Loonyo, gustong maging international star kasama ang Area 63

DJ Loonyo, umalis na sa Crown Artist Management ni Maja Salvador.
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2022
dj loonyp area 63
DJ Loonyo: "I need to gather people na pagsamahin sila sa isang lugar ‘coz yun ang ibinigay ni God na gift sa akin—na kayang magsama ng mga tao. 'Gusto kong suportahan ang lahat ng mga kapatid ko [sa Area 63] kasi hindi ko kayang mag-isa. Pero as marami, mas marami ang pupuntahan namin."

Naniniwala ang dancer at aspiring singer na si DJ Loonyo na ang isang katangiang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ay ang kakayahang pagsama-samahin ang mga tao.

Read: DJ Loonyo, sumabak na rin sa pagkanta; binago ang look para hindi na magmukhang "masang-masa"

Buong-buo ang kumpiyansa ni DJ Loonyo sa sarili nang sabihin nito ang plano at pangarap maging international star, kasama ang mga miyembro ng Area 63—sina Mannex Manhattan, Keneth Bonilla, Solomon Stark, Yukio Takashi, Ken San Jose, at ang kanyang girlfriend na si Faye Protacio aka Amari.

Sila ang featured performers sa Loonyoverse, ang major concert ni DJ Loonyo na itatanghal sa Matrix Creation Events Venue, Quezon City, sa December 8, 2022.

Loonyverse is a three-year plan, December 8 is the kick-off. Magiging malaking-malaki itong universe na ito,” pahayag ni DJ Loonyo nang humarap siya sa media conference ng Loonyoverse para ipakilala ang kanilang grupo.

“We’re going into music. We want to go international. We want to please the international scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So I need to gather people na pagsamahin sila sa isang lugar ‘coz yun ang ibinigay ni God na gift sa akin—na kayang magsama ng mga tao.

''Gusto kong suportahan ang lahat ng mga kapatid ko [sa Area 63] kasi hindi ko kayang mag-isa. Pero as marami, mas marami ang pupuntahan namin," sabi ni DJ Loonyo.

Kinilig at natuwa ang dancer-turned-singer nang ikumpara siya ng isang reporter sa pumanaw na King of Pop na si Michael Jackson, na isang mahusay na singer at dancer.

AREA 63

Iginiit ni DJ Loonyo na wala silang kontrata ng mga miyembro ng Area 63 dahil hindi raw nila kailangan ng kasulatan ng kasunduan.

Diumano, nabuo ang Area 63 dahil sa malalim na pagkakaibigan at tiwala nila sa isa’t isa.

Saad niya, “To be honest, ako yung walang pakialam sa kontrata sa mga tropa ko. Tiwala lang kasi, at the end of it, ‘Tinulungan kita, bro, tinulungan mo rin ako.’ So, wala akong paki sa kung anong meron ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung makukuha ka man, go! Kung kukunin si Mannex sa New York to perform, I will be happy.

“Pasalamat ako na isa ako sa mga ginamit na instrumento para makapunta ka [sa New York]. But sa kontrata? Magtu-two years na yung Area 63, wala kaming kontrata, tiwala lang.”

OUT OF CROWN ARTIST MANAGEMENT

Siyam na buwan na ang nakalilipas nang ipakilala si DJ Loonyo bilang isa sa mga talent ng Crown Artist Management, ang talent management company ni Maja Salvador at ng boyfriend nitong si Rambo Nuñez.

Read: DJ Loonyo, sasabak na sa pag-arte; pasok sa cast ng Niña Niño ni Maja Salvador

Ibinalita ni DJ Loonyo sa naganap na media conference ng Loonyoverse na umalis na siya sa Crown Artist Management, pero iginiit niyang maayos ang kanyang pagpapaalam kay Maja.

“Naging close talaga kami ni Ate Maja sa PoPinoy as in seatmates kami, dun nabuo yung relationship namin up until mapasok ako sa Crown ‘coz they really believe in my potential."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang PoPinoy ay ang reality competition show na napanood sa TV5 mula June 2022 hanggang November 2022.

Patuloy ni DJ Loonyo, “Masayang-masaya ako, ang dami kong natutunan sa Crown, even the acting workshop na hindi ko pa na-experience and iba’t ibang events. Marami akong natutunan.

"Pero meron lang kaming isang point this year na nag-open up ako sa kanila, since under pa rin ang Loonyoverse sa Universal Records, sabi ko sa Crown, ‘Is it okay na mag-focus muna talaga ako sa music?’

“Kasi mahirap din naman po na parang you're doing something tapos ako naman po, iba ang ginagawa ko sa buhay.

“Naging open kami sa kanila and after nun po, naging maayos ang usapan namin. They’re hundred percent support sa kung anong career path na gusto kong i-take but nag-uusap kami, nagkukumustahan.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo: "I need to gather people na pagsamahin sila sa isang lugar ‘coz yun ang ibinigay ni God na gift sa akin—na kayang magsama ng mga tao. 'Gusto kong suportahan ang lahat ng mga kapatid ko [sa Area 63] kasi hindi ko kayang mag-isa. Pero as marami, mas marami ang pupuntahan namin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results