PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actress and influential personality break up

Influential personality, "nasakal" kay aktres.
by Jojo Gabinete
Published Dec 9, 2022
blind item aktor at aktres
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

"Nasakal" dahil sa pagiging makasarili ng aktres ang sinasabing ugat ng paghihiwalay nila ng kanyang maimpluwensiyang boyfriend.

Hindi umano natagalan ng boyfriend ang ugali ng aktres.

Ang nagwakas na relasyon ng dalawa ang itinuturong dahilan kaya nakaapak uli sa lupa ang mga paa ng mga aktres.

Naging pasaway at mahirap kausap ang aktres dahil sa kanyang panandaliang pagkakasandal sa pader.

Mula nang maging boyfriend ng aktres ang influential personality, hindi na siya basta-basta nagpapainterbyu. Kapag may mga tanong na ipinadadala sa kanya para sagutin, hindi niya sinasagot.

Laging "napuyat" ang alibi ng aktres kaya minsan na itong sinabihan ng isang reporter na “Matulog na lang siya forever!”

Nagkaroon din ng social-climber image ang aktres dahil gustung-gusto niyang idinidikit ang sarili sa pangalan ng mga artistang mas sikat kesa sa kanya at sa mga personalidad na kilala sa lipunan.

At sa tuwing tinatanong noon ang aktres tungkol sa relasyon nila ng influential personality, "nagpapa-cute" siya sa pagsagot at hindi umaamin. Pero kapag binabago ng kanyang mga kausap na reporter ang paksa, ibinabalik niya ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabayaan ng aktres ang acting career nito nang mahumaling siya nang husto sa kanyang karelasyon.

Ngayong maugong na ang balitang hiwalay na sila — at isang maganda, mas sexy, a mas batang babae ang ipinalit sa kanya ng dating karelasyon — nahalata ng mga tao sa paligid ng aktres na nagbabait-baitan ito at sinusuyo sila dahil sa kagustuhang muling maging aktibo sa showbiz.

Pero huli na dahil nadiskubre na ang tunay na karakter niya.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results