Nakaburol sa tahanan nila sa Marilag, Rosario, Batangas ang mga labi ng singer na si Jovit Baldivino.
Sumakabilang-buhay si Jovit dahil sa brain aneurysm, Biyernes, December 9, 2022.
Siya ay 29.
Read: Singer Jovit Baldivino dies at 29
Sinabi ng manager ni Jovit na si Jerry Telan sa Cabinet Files na nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang singer sa Miyerkules, December 14.
Pero hindi pa ibinibigay ang detalye tungkol sa sementeryo o memorial park na paglalagakan ng bangkay ng nasawi.
Namatay na binata si Jovit, pero nakalagay sa Facebook profile nitong kasal siya sa girlfriend niyang si Camille Ann Miguel.
“Asawa ko” rin ang term of endearment ni Camille sa singer.
Read: Misis ni Jovit Baldivino, umalma sa mga fake news tungkol sa kalagayan ng singer
Mismong si Camille ang nagsabi sa kanyang madamdaming Facebok post na ang pagpapakasal ang isa sa kanilang mga plano. Pero hindi na ito mangyayari dahil sa maagang pagpanaw ng boyfriend niya.
Facebook post ni Camille (published as is):“ Asawa ko dko alam pano ulit ako mag sisimula dko alam pano ko sa araw araw. Nasanay akong alagaan ka araw araw hintayin ka Lagi makauwe para masubuan kita kumaen.
“Love sobrang hirap na naiwan akong mag isa na dko alam pano uli mag sisimula ng wala kna sa tabi ko.
“Alam kong Lumaban ka tulad ng pangako mo sken bago ka maoperahan na hintayin kita at Lalaban ka.
“Alam kong ginawa mo lhat ng makakaya mo para Lumaban kase pag kinakausap kita sa ICU kht umiiyak ka.
“Sobrang sakit sobrang hirap alam ng lhat at Lalong alam mo kung Gaano kita kamahal at Lalong alam ko po kung gaano mko kamahal.
“Magpapakasal pa tayo eh mag bababy pa tayo napakadami pa nten plano.
"Nasanay akong i-kiss ka bago matulog at pagkagsing kayakap ka buong mag magdamag. Pano nko Love pano nko.
"Ayokong mahirapan ka pa kaya kung san ka man ngaun magpahinga kapo at wala knang sakit na mararamdaman.
“Dko na sasabihn gagawin ko nlng na kht wala kna andto pdn ako sa likod ng pamilya mo na pamilya ko na ren. Napakahirap tanggapin pero kailangan.
"MAHAL NA MAHAL PO KITA LOVE KO AT D MAGBABAGO YAN KAILANMAN."