PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: actress no show in game show taping

Akres, hindi dumating at di sinasagot ang mga tawag.
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nagkaroon ng problema sa taping kamakailan ng isang game show dahil sa hindi pagsipot ng aktres na bida sa upcoming drama series ng kanyang home network.

Alas diyes ng umaga ang call time sa aktres at sa ibang mga celebrity guest, pero hindi siya dumating at hindi sumasagot sa mga tawag sa cellphone niya.

Nataranta ang production staff ng programa na mabilis naghanap ng kapalit para matuloy ang taping nila.

Isang nagmamalasakit sa aktres ang nagpunta sa bahay nito para malaman ang tunay na rason nang hindi niya pagdating sa studio pero, diumano, wala ito sa kanyang tahanan.

Humingi ng paumanhin ang handler ng aktres sa mga taong naperhuwisyo sa hindi niya pagsipot sa taping dahil sa dahilang “may mga pinagdaraanan siya.”

Nadismaya ang production staff sa unprofessionalism na ipinakita ng aktres at sa malaking problema na ibinigay nito sa kanila.

Wala pang napapatunayan sa showbiz at acting department ang aktres na pinangangambahang baka lalong tumindi ang attitude problem kung sakaling sumikat siya dahil sa pambibiting ginawa niya sa TV guesting na kanyang tinanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results