Hindi umabot ng tatlong taon ang same-sex relationship ng dalawang entertainment personalities dahil napagod ang isa sa kanila sa patagong pagkikita nila.
May reputasyon at career na pinangangalagaan nang husto si Entertainment Personality A (EPA) kaya maingat na maingat ito sa pakikipagrelasyon sa kapwa kasarian.
Samantala, walang pakialam si Entertainment Personality B (EPB) sa mga sinasabi at sasabihin ng publiko tungkol sa sexual orientation niya.
Naghiwalay ang dalawa nang mapagtanto ni EPB na walang patutunguhan ang kanilang sikretong relasyon.
Napagod na rin siya dahil hindi sila puwedeng makitang magkasama kaya gumagamit siya ng balatkayo sa tuwing magtatagpo sila ni EPA.
Nang magwakas ang kanilang relasyon, naramdaman ni EPB na unti-unting nabawasan ang mga trabahong ibinibigay ng kanyang mother studio, pero ayaw niyang isiping may kinalaman si EPA para hindi na sila magkita sa iisang lugar.
May "pattern" ang love life ni EPA dahil dumaranas ng depresyon ang kanyang mga nakakarelasyon kapag hinihiwalayan niya.
Apat sa mga ex-lover ang umamin tungkol sa mental health struggles nila at matagal bago sila nakabawi nang matapos ang kanilang pakikipagrelasyon kay EPA.
Nahihirapan ang mga dating minahal ni EPA na basta na lamang ito kalimutan dahil sa pagpapahalaga at pag-aalagang ipinadama niya sa sandaling panahon ng kanilang "tightly-guarded" love affair.