PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Azi Acosta nakagawa ng history sa Vivamax

Angeli Khang is shaking?
by Jojo Gabinete
Published Dec 17, 2022
Azi Acosta makes history in Vivamax.
Bagamat baguhan, napansin agad ang husay ni Azi Acosta sa pelikulang Pamasahe sa Vivamax.
PHOTO/S: _azi.acosta Instagram / Vivamax

Ikinagulat ng direktor na si Roman Perez, Jr. at ng newcomer sexy star na si Azi Acosta ang phenomenal success ng kanilang pelikula, ang Pamasahe na nagtala ng pinakamataas na bilang ng streams sa unang araw ng streaming nito noong December 10, 2022 sa Vivamax.

Totally unknown ang 18-year-old nymphet kaya isang malaking sorpresa na gumawa ng kasaysayan sa Vivamax ang kanyang launching movie.

“Super unexpected po,” ang pahayag ni Azi sa Cabinet Files tungkol sa tagumpay ng Pamasahe.

“Masaya ako sa success ng movie dahil deserve po ito ng Team Pamasahe. Sana po tuluy-tuloy na. Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga suporta na natanggap namin!”

Ang kakaiba, nakakagulat na kuwento ng pelikula at ang mahusay na pagganap ni Azi ang ilan sa mga dahilan kaya tinangkilik ng manonood ang Pamasahe.

Sa mga sexy star ng Vivamax, ang magaling na pag-arte ni Angeli Khang sa mga pelikula nito ang napapansin at pinupuri ng manonood, hanggang dumating si Azi na isang malaking banta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangungulila si Azi sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya dahil lumaki siyang hiwalay ang mga magulang.

Ito ang posibleng rason kaya madali para sa kanya na gampanan ang kumplikadong karakter sa Pamasahe na ipinagkatiwala sa kanya ni Perez.

“Masaya naman po ako buhay ko. Sadyang mabilis lang po ako na maapektuhan ng emosyon ng ibang tao kaya naramdaman ko po agad yung character ko sa pelikula.

“Kung meron po siguro akong pinaghuhugutan ng emosyon, yung longing ko lang sa complete family dahil lumaki po ako na hiwalay ang mga magulang ko,” sabi ni Azi.

Nakipagtagisan si Azi ng husay sa pag-arte kina Julio Diaz at Mark Anthony Fernandez.

Karapat-dapat siyang mabigyan ng acting nominations sa susunod na taon dahil sa outstanding performance niya sa Pamasahe na isa sa mga magagandang pelikulang isinulat at ginawa ni Direk Roman.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat baguhan, napansin agad ang husay ni Azi Acosta sa pelikulang Pamasahe sa Vivamax.
PHOTO/S: _azi.acosta Instagram / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results