“One week ko siyang tinitigan,” ang natatawang pag-amin ni Kylie Verzosa.
Tinanong kasi siya ng Cabinet Files kung gaano niya katagal na tiningnan ang best actress award na ipinagkaloob sa kanya ng Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) sa Dubai noong November 2022 dahil sa kanyang powerful performance sa Philippine adaptation ng The Housemaid.
“One week ko siyang tinitigan. 'Wow, totoo ba ito?' It represents kasi to me all the things na… kapag tinitingnan ko siya, hindi ko siya tinitingnan as an award.
“Nakikita ko ang lahat ng mga hirap na pinagdaanan ko as Daisy, as my character. Lahat ng nights na umiyak ako… na ayoko na.
“Yun ang mga nakita ko when I see that award, going to set at 5 a.m., 4 a.m.,” pagpapatuloy ng kuwento ni Kylie na napaiyak lamang matapos na tanggapin ang parangal sa kanya.
“Naiyak ako after [accepting the award] kasi parang naaliw ako sa Dubai.
“Parang ang daming nangyayari. It took a few days to sink in.
“I really didn’t expect this year to be this good. For me, I just work really hard and I give my best one hundred percent every time and just accept all the blessings.
“This year was surprisingly and incredibly good to me. I really think na the more you receive, the more you give back.
“The most special for me would be the best actress award kasi matagal ko na siyang pinangarap ever since I started acting.
“Ang dami ko pang nakuha na offers sa international, sobrang it really opened my eyes and sana matuloy next year. Dream ko rin ang international movie,” sabi pa ni Kylie.
Hindi naman malayong matupad ang pinapangarap niyang international career, dahil tila nakaguhit sa kanyang palad na manalo sa mga international contest tulad ng Miss International noong 2016 at best actress sa Dubai ngayong 2022.
Ang veteran Hollywood action star na si Steven Seagal ang isa sa mga imbitado sa DIAFA at dahil sa taglay na kagandahan ni Kylie, hindi nakapagtataka na nabighani at naging magiliw siya sa Filipina beauty queen nang magtagpo sila sa gabi ng parangal na dinaluhan nila.