PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Show-and-tell actor, may "tasting" session with matipunong aktor

Show-and-tell actor, ipinamamalita ang secret rendevous nila ng matipunong aktor
by Jojo Gabinete
Published Dec 22, 2022
blind item two men
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Walang kamalay-malay ang matipunong aktor na ipinamamalita ng kapwa niya aktor na nagtitikiman sila.

Detalyado ang kuwento ng aktor na nagpapadala agad ng text message sa kanyang mga kaibigan kapag magkikita sila ng matipunong aktor para sa kanilang secret rendezvous.

Hindi inililihim ng aktor ang tunay na sexual orientation sa mga taong malalapit sa kanya dahil siya pa nga ang nagkukuwento ng “sexcapades “ niya.

Noong early 2000, may isinulat kaming blind item sa aming column sa isang pahayagan tungkol sa aktor na pinagdududahan na HIV-positive.

Nang araw na lumabas ang aming report, isang tawag sa cellphone ang natanggap namin mula sa aktor at umiiyak ito na nagtanong kung siya ba ang subject ng blind item namin.

Nagulat kami sa inasal ng aktor dahil ibang artista ang aming tinutukoy kaya nakapagtatakang apektadong-apektado at takot na takot siya.

Sinabi namin sa aktor na wala itong dapat ipag-alala at hindi niya dapat i-claim na siya ang subject ng blind item dahil ibang artista ang aming tinutukoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para maging kalma ang pakiramdam ng aktor, idinagdag naming walang rason para matakot siya, lalo na kung natitiyak niyang maayos na maayos ang kanyang kalusugan at nagpa-practice siya ng safe sex.

Naalaala namin ang insidente ng pag-iyak ng aktor nang tawagan niya kami noon sa telepono dahil sa balita kamakailan na nakarating sa amin na siya pa ang nagkukuwento tungkol sa kanyang mga kakilala tungkol sa lihim na relasyon nila ng matipunong aktor.

Read More Articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results