Hindi natapos ng isang showbiz personality ang panonood sa much-anticipated reunion concert ng Eraserheads na ginanap sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City, kagabi, December 22, 2022.
Read: (Updated) Vice Ganda, KathNiel, Beauty Gonzalez spotted at Eraserheads reunion concert
Reportedly, kalagitnaan ng pagtatanghal ng Eraserheads nang "mag-pass out" ang showbiz personality kaya hindi na rin tinapos ng kanyang mga kasama—na labis na nag-alala sa kalagayan niya—ang panonood sa concert.
Nag-umpisa ang concert ng alas-otso ng gabi at natapos ng halos alas-dos ng madaling-araw ng Biyernes, December 23, 2022.
Hindi pa nagsasalita ang mga kaibigan ng showbiz personality tungkol sa hiwaga o tunay na dahilan ng nangyari sa kanya sa concert.
Samantala, pinupuri ang Eraserheads concert sa pagkakaroon ng maayos na sistema kaya hindi naiwasang ikumpara ito sa dusang naranasan ng mga nanood ng homecoming concert ng Ben&Ben, na naganap din sa SMDC Festival Grounds noong December 18, 2022, kaya naglabas ng public apology ang mga miyembro ng banda.