PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Susan Roces and Fernando Poe Jr. wedding in 1968

Senator Grace Poe celebrates first Christmas without mom Susan Roces.
by Jojo Gabinete
Published Dec 25, 2022
Fernando Poe Jr. and Susan Roces wedding in 1968
King and Queen of Philippine Movies Fernando Poe Jr. and Susan Roces, ikinasal noong December 25, 1968. Hinatid si Susan sa altar ng ama niyang si Dr. Jesus Sonora (lower right photo).
PHOTO/S: From Poe collection

Ngayon ang unang Pasko na hindi kapiling ni Senator Grace Poe at ng pamilya niya ang kanyang ina, ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Pumanaw si Susan noong May 20, 2022 sa edad na 80.

Sa mensahe ni Poe para sa sambayanang Pilipino sa araw ng pagsilang ni Hesus Kristo, hindi niya nakaligtaan na banggitin ang kanyang namayapa na ina.

"Unang Pasko ito na hindi namin makakasama ang aking ina. Bagamat malungkot at nangungulila kami sa kanya, kasama ng aking pamilya ay nananatili ang kanyang alaala sa aming puso ngayong Pasko," ang bahagi ng pagbati ni Poe.

Ginugunita rin ngayon ng senadora ang anibersaryo ng pag-iisang-dibdib ng kanyang mga magulang.

Limampu’t apat na taon (54) na ang nakalilipas buhat nang idaos sa Santuario de San Jose sa Greenhills East Village sa Mandaluyong City, noong December 25, 1968, ang itinuring na Wedding of the Year ni Susan at ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. o FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fashion Czar of Asia na si Pitoy Moreno ang madaliang gumawa ng damit pang-kasal ni Susan (na agaw-pansin ang kakaiba na hairdo sa araw ng kanyang kasal) nang pakasalan ito ni FPJ sa simbahan.

Beautiful bride Susan Roces

Malaking balita ang kasalan nina FPJ at Susan na dalawa sa pinakasikat na artista noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang noo'y President Ferdinand Marcos Sr. at First Lady Imelda Marcos ang nanguna sa listahan ng mga ninong at ninang.

FPJ and Susan Roces flanked by then President Ferdinand Marcos Sr. and First Lady Imelda Marcos

Ang church wedding nina Susan at FPJ ang pangalawang beses na pagpapakasal nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Una silang kinasal noong December 18, 1968 nang magtanan sila at ikinasal ni Mayor Gerry Angeles ng Valenzuela, Bulacan.

Susan Roces with dad Dr. Jesus Sonora and Purificacion Levy

Dinumog ng mga tagahanga ang Santuario de San Jose dahil sa kanilang masidhing kagustuhan na masaksihan nang personal ang kasalan ng taon, at malinaw ito na mapapanood sa digitally restored video ng wedding of the year na ibinahagi ng pamangkin ni Susan na si Jeffrey Sonora noong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susan Roces and FPJ wedding

Ang FPJ Studios ang namahala sa restoration ng wedding video nina Susan at FPJ na isa na lamang alaala, pero malaking bahagi ng kasaysayan ng industriya ng pelikulang Pilipino, at maaari na paulit-ulit na panoorin dahil sa bisa ng makabago na teknolohiya.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
King and Queen of Philippine Movies Fernando Poe Jr. and Susan Roces, ikinasal noong December 25, 1968. Hinatid si Susan sa altar ng ama niyang si Dr. Jesus Sonora (lower right photo).
PHOTO/S: From Poe collection
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results