Ang Bragais shoes na may tagline na "Walk.Win." ang official footwear ng mga kandidata ng 71st Miss Universe.
Malaking karangalan ito para sa Filipino shoe designer at shoemaker na si Jojo Bragais.
“I’m very happy to be back in the Miss Universe stage. This means a lot to me. This is both business and personal move in my career,” pahayag ni Bragais sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Lunes ng umaga, December 26, 2022.

Unang naging official footwear ang Bragais sa 69th Miss Universe na ginanap noong May 16, 2021 sa Las Vegas, Nevada.
Sa pangalawang pagkakataon, ang proudly Philippine-made footwear ang pinili ng Miss Universe Organization bilang shoe sponsor ng 71st edition ng popular international beauty pageant na idaraos sa January 14, 2023 sa New Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA.
Para sa Miss Universe 2022, ang Maureen shoe style o design ang ipinadala ni Bragais sa New Orleans.
Maureen ang pangalan ng footwear bilang pagpupugay ni Bragais sa kanyang kaibigan na si Maureen Montagne, ang Miss Globe 2021 winner.
“The style for this year’s Miss Universe is Maureen, a tribute to a good friend Maureen Montagne,” ani Bragais.
Abalang-abala ngayon si Bragais sa pag-aasikaso sa mga sapatos na gagamitin ng mahigit sa 80 kandidata ng Miss Universe 2022.
“Production started first week ng December. We were able to send to New Orleans the first batch of shoes last December 23 at yung second batch, today, December 26,” banggit niya.
Hindi nakapiling ni Bragais nitong Pasko ang kanyang pamilya sa kauna-unahang pagkakataon dahil nakatutok ang panahon at atensiyon niya sa mga sapatos na ipinadala sa Amerika.

Inaasahan ang pagdalo ni Bragais sa 71st Miss Universe dahil gaya ng nangyari sa 69th Miss Universe coronation, personal ang kanyang pag-aasikaso para matiyak niya na kumportable ang lahat ng Miss Universe delegates sa pagsusuot ng Bragais footwear.
Related Stories:
- Korean superstar Song Joong Ki introduces British girlfriend to colleagues
- "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about
- Anu-anong pelikula ang tinangkilik sa first day ng MMFF 2022?
- PEP YEARENDER 2022: Tom-Carla, Moira-Jason, Chiz-Heart, Sunshine-Macky, Markus-Janella, other celebrity breakups that shocked showbiz in 2022