PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy star, third party sa relasyon ng influential personality at sexy GF?

Sino sila?
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2023
blind item
Sino ang sexy star at former Pinoy Big Brother housemate na hinihinalang third party sa pagkakalabuan ng relasyon ng influential personality at ng kanyang sexy girlfriend?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Ang sexy star na dating housemate ng Pinoy Big Brother ang itinuturo na dahilan kaya nagkaroon ng problema sa relasyon ng influential personality at ng girlfriend nito na nagpapaseksi rin sa pelikula.

Apparently, may isyu na rin sa pagitan ng sexy star at ng influential personality dahil hindi nila sinusubaybayan ang social media accounts ng isa’t isa.

Lumakas ang hinala na ang sexy star ang third party sa nagkakalabuan na relasyon ng influential personality at ng girlfriend nito na itinatanggi noon ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga incriminating evidence kaya pinaratangan sila na mga sinungaling.

Sa isang interbyu sa sexy star, gulat na gulat ito nang tanungin siya tungkol sa rumored love affair nila ng influential personality.

Halos maluha ang sexy star sa tanong na narinig pero nanindigan siya na magkaibigan lamang sila ng lalake na nauugnay sa kanya.

Nang matapos ang panayam sa sexy star, nakiusap ito sa kanyang kausap na huwag nang ilabas ang kanilang mga napag-usapan kaya tumindi ang mga pagdududa na may katotohanan na siya ang third party sa relasyon ng influential personality at ng kasintahan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang linggo, nag-unfollow na sa social media accounts ng isa’t isa ang sexy star at ang influential personality na may reputasyon na mahilig sa mga artista na naghuhubad sa mga pelikula pero walang lakas ng loob na aminin sa publiko ang kanyang pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang sexy star at former Pinoy Big Brother housemate na hinihinalang third party sa pagkakalabuan ng relasyon ng influential personality at ng kanyang sexy girlfriend?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results