PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regal Babies Reunion with Mother Lily

Maricel at Snooky, malaking ang utang na loob kay Mother Lily.
by Jojo Gabinete
Published Jan 7, 2023
mother lily maricel snooky reunion
Maricel Soriano (center) and Snooky Serna (right) reunite with Regal Films matriarch Mother Lily Monteverde (left) who gave them big breaks in showbiz as original Regal babies.

Makalipas ang ilang taong hindi pagkikita dahil sa coronavirus pandemic, muling nagkasama ang original Regal Babies na sina Maricel Soriano at Snooky Serna, at si Regal Films producer Mother Lily Monteverde.

Nangyari ang pagkikita nila sa Valencia Events Place, Valencia Street, Quezon City, nitong Sabado ng tanghali, January 7, 2022.

Si Mother Lily ang may ideya na imbitahan sa isang tanghalian ang Dabarkads, ang grupo nila na kinabibilangan ng mga talent manager na sina Dolor Guevarra, June Rufino, Shirley Kuan, Veana Fores, at Girlie Rodis; Senator Grace Poe; Lawrence Tan; Roselle Monteverde; Maricel; at mga anak ni Dolor na sina Jaypee at Anes.

Hindi miyembro ng Dabarkads si Snooky, pero si Maricel ang nagsama sa kanya sa naganap na tanghalian.

Labis itong ikinatuwa ni Mother Lily dahil matagal na nitong hindi nakikita ang mga aktres na inalagaan at pinasikat niya nang husto noong dekada ‘80 bilang Regal Babies.

Malaki ang utang na loob na tinatanaw nina Snooky at Maricel mula kay Mother Lily dahil ito ang nagtiwala sa kanilang mga kakayahan bilang aktres noong mga teenager pa lamang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

maricel soriano snooky serna then and now

Ikinuwento nina Maricel at Snooky sa isang episode ng YouTube vlog nito noong December 2022 na nami-miss nila ang pagiging mapagmahal at pagtili sa kanila ni Mother Lily.

Pahayag ni Snooky, “Nakaka-miss na in the sense na authentic, e. Sa kanya lang yun galing.

"Saka yung pagka-dual personality ni Mother na one minute, galit na galit, tapos mamayang konti may kausap na siya sa telepono [sa malambing na tono], ‘Hello, yes... kumusta na?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganoon lang si Mother pero loving talaga siya,” sabi ni Maricel, na natatawang pinatotohanan ang mga kuwentong lumilipad ang mga telepono [landline] na sinasalo nila kapag nagagalit noon si Mother.

Read: Maricel Soriano recalls punching some guy for catcalling Snooky Serna: “Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha!'"

Ang nangyaring reunion nina Mother Lily, Snooky, at Maricel nitong Sabado ang bihirang pagkakataong lumabas ng bahay ang Regal matriarch.

Buhat nang magkaroon ng pandemya, hindi na pinapayagan ng kanyang mga anak si Mother Lily na umalis ng bahay kaya hindi siya dumalo sa Christmas party ng Regal Entertainment Inc. para sa kanilang mga empleyado at contract stars noong December 12, 2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano (center) and Snooky Serna (right) reunite with Regal Films matriarch Mother Lily Monteverde (left) who gave them big breaks in showbiz as original Regal babies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results