PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo on Maria Clara at Ibarra

Eksena ni Dennis Trillo sa Maria Clara at Ibarra, trending sa Twitter.
by Jojo Gabinete
Published Jan 7, 2023
dennis trillo maria clara at ibarra
Nag-trending si Dennis Trillo sa Twitter mula Biyernes, January 6, 2023, hanggang ngayong Sabado ng gabi, January 7, dahil sa ipinamalas niyang husay sa pag-arte sa mahabang eksena niya sa 70th episode ng Maria Clara at Ibarra.
PHOTO/S: GMA Network

Pinag-uusapan hanggang ngayong Sabado ng gabi, January 7, 2023 ang kabanata ng Maria Clara at Ibarra na napanood sa GMA-7 noong Biyernes, Enero 6.

Read: "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about

Ito ay dahil sa ipinamalas na husay sa pag-arte ni Dennis Trillo, na gumaganap na Crisostomo Ibarra sa top-rating primetime drama series ng Kapuso Network.

Kagabi, tumanggap ng mga papuri mula sa manonood ang eksena ng paglalabas ng kanyang karakter ng mga sama ng loob tungkol sa hindi makatatong trato ng mga Kastila sa mga may dugong Indio na kagaya niya.

Pinag-usapan ang husay ni Dennis kaya nag-trending ito sa Twitter Philippines.

Maraming beses nang napatunayan ni Dennis, na tinaguriang "Kapuso Drama King," ang galing nito bilang aktor at muli itong napansin sa pinupuri na eksena niya sa Maria Clara at Ibarra.

Mula nang mag-umpisa na mapanood sa telebisyon ang Maria Clara at Ibarra noong October 3, 2022, nangibabaw na ang husay ni Dennis sa pagbibigay-buhay sa pangunahin na karakter sa Noli Me Tangere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas pinagtuunan ng atensiyon ng karamihan ng mga manonood ang "love team" nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco) na nagpapakilig sa kanila.

Sa 70th episode ng Maria Clara at Ibarra na napanood noong Biyernes, muling ipinaalaala sa publiko na ang pagiging mahusay na aktor at ang makapangyarihang pagganap ni Dennis bilang Crisostomo Ibarra ang isa sa mga dahilan kaya naging matagumpay ang primetime series na kinagigiliwan at sinusubaybayan ng maraming Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending si Dennis Trillo sa Twitter mula Biyernes, January 6, 2023, hanggang ngayong Sabado ng gabi, January 7, dahil sa ipinamalas niyang husay sa pag-arte sa mahabang eksena niya sa 70th episode ng Maria Clara at Ibarra.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results