“Surreal” ang pakiramdam ni Chai Fonacier nang gawin niya ang psychological thriller movie na Nocebo — Latin word for "I shall harm."
Hndi siya makapaniwalang makakatrabaho niya sa isang proyekto ang French actress na si Eva Green at ang British actor na si Mark Strong.
Pero tulad ni Dolly de Leon, maipagmamalaki natin ang Cebuana actress dahil sa galing na ipinamalas nito sa kanyang unang international movie.
Read: Pinoy pride Chai Fonacier shows riveting performance in Eva Green starrer Nocebo
“During rehearsals, I would forget that I’m part of the scene, kasi it’s such a joy watch them work,” pahayag ni Chai matapos ang special screening ng Nocebo nitong Miyerkules ng hapon, January 11, 2022, sa Red Cinema ng Shangri-La Plaza Mall.
Napakahalaga ng papel na ginampanan ni Chai sa Nocebo dahil isa siya sa mga bida. Importanteng-importante ang karakter niya sa kuwento ng pelikula na kinunan ang mga eksena sa Pilipinas at Ireland.
Hindi nagpahuli si Chai kina Eva at Mark dahil sa angking husay sa pag-arte na kanyang ipinamalas sa lahat ng mga eksena niya.
“You represent your people. You cannot embarrass anybody from home!” tila mantra ni Chai habang ginagawa nila ang Nocebo, at nagtagumpay siya dahil sa kanyang katangi-tanging pagganap.
Panahon ng pandemya nang umpisahan ang shooting ng Nocebo kaya hindi nakapunta si Eva sa Pilipinas para sa mga eksena niyang kuha sa isang factory, pero nagtagumpay ang direktor na si Lorcan Finnegan sa paraan na ginawa nito.

Si Garret Shanley ang sumulat ng kuwento ng Nocebo.
Base sa aming napanood, kumpleto ang pagsasaliksik niya tungkol sa witchcraft sa Pilipinas na mahalagang bahagi ng pelikula.
Naka-display sa lobby ng Red Cinema ang props na ginamit ni Chai sa pelikula, tulad ng maleta at mga herbal potion, kaya binanggit niyang kumonsulta sila sa mga shaman o espiritista para sa kanyang ginampanang papel at sinunod nila ang lahat ng mga payo sa kanila.

Lahad ni Chai, “The props outside are the actual props that we used for Diana [pangalan ng karakter niya] in the film and they were sourced in places like Quiapo, which means they are actual items that practitioners use.
“We also consulted a local shaman about how to handle these things because you’re not going to lose anything, to take extra precautions."
Shaman ang tawag sa isang taong may impluwensiya sa mga mabubuti at masasamang espiritu.
“There was another item where we were instructed specifically not to bring along with us if we’re going to pass by a cemetery.Huwag daw idadaan sa sementeryo.
"So the production design came in Ireland, ‘Okay, let’s check the routes really quick,’ from the unit base to the location we’re shooting at, and they said ‘We have checked, there are no cemeteries in any of the routes that we’re taking.’"