PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maui Taylor Shares Home After Split

"We’re co-parenting. We’re in one house but I sleep in a different room."
by Jojo Gabinete
Published Jan 27, 2023
maui taylor royal blue gown
Maui Taylor on separation from partner and the father of her two kids: "Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang. Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three wala na."
PHOTO/S: @therealmauitaylor on Instagram

Ang kuwento tungkol sa royal blue gown — na nagkakahalaga ng P130,000 na ipinagawa sa fashion designer na si Mark Bumgarner — na ginamit niya sa red-carpet premiere ng pelikulang Hello, Universe! ang nais naming itanong kay Maui Taylor.

Pero mas interesting na impormasyon ang aming nalaman: hiwalay na siya sa ama ng kanyang dalawang anak pero nagsasama pa rin sila sa iisang bahay.

Hindi sinabi ni Maui ang dahilan ng paghihiwalay nila at, ni minsan, hindi siya nagsalita laban sa dating karelasyon.

“Hindi na kami nag-uusap,” malumanay na pahayag ni Maui sa premiere ng Hello, Universe noong January 24, 2023.

“We’re co-parenting. We’re in one house but I sleep in a different room.

"Matagal nang ganoon ang set-up. Walang pakialaman. No questions asked.

"Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang.

"Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three wala na."

Ano ang sabi ng mga anak ninyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng aktres, “Wala, kasi in front of the kids, we act normal. Kumbaga, sa dinner table, small talk, usap.

“Siguro nagtataka sila kung bakit ako nasa kabilang room. Ang sinasabi ko na lang palagi is may vertigo ako.

“May vertigo naman talaga. Ang sinasabi ko lang, malikot silang matulog, hindi ako makakatulog, mahihilo ako.

"So, maggu-good night lang sila sa gabi."

Nawawala ba ang pagmamahal?

"Oo naman!" maagap na sagot ni Maui.

“Kumbaga, kapag walang growth ang isang relationship, nag-try naman kami [na ayusin ang problema], pero siguro masyado nang malalim yung cause ng problem kaya hindi na magawa na ihakbang pa.”

Kinontra ni Maui ang espekulasyong baka handa na siyang pumasok sa bagong relasyon kaya inaamin na niya sa publiko na hiwalay na sila ng ama ng kanyang mga anak.

“Ay, hindi rin!" bulalas niya.

"Kahit naman in a relationship ka, generally speaking, kapag gusto ka ng isang tao, may mag-e-express. Nasa iyo na lang yun kung ano ang gagawin mo about it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman ako pangit. Pleasant naman ako na tao, so meron at meron times [na nagpaparamdam], it’s just that dedma ka lang.”

Paano nakaapekto sa pagkatao mo ang paghihiwalay ninyo?

Sagot ni Maui, “Wala. Na-sad lang pero hindi naman totally.

"Sinabihan niya ako na, ‘I know I cannot make you happy.' Sabi niya, ‘Sabihan mo na lang ako kapag may nahanap ka.’

“I never wanted to get married, to begin with. I am not the marrying type. Okay na ako, two kids lang, okay na yan.

It’s always a personal choice. Parang growing up, yun na ang nasa isip ko.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang maipapayo sa ibang mga tao na may katulad na problema niya, “Magtira ka para sa sarili mo,” sagot ni Maui.

Dagdag niya, “Yun ang ginawa ko so I think that’s the reason why I am okay. Sabi nga nila, it’s okay not to be okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Leave something for yourself kasi yun ang makakatulong sa yo in the worst case scenario.”

Trivia: Si Maui ang lead actress sa Hello, Universe! na pinagbibidahan ni Janno Gibbs.

Dahil sa pamagat ng pelikula, royal blue ang pinili niyang kulay ng kanyang kasuotan sa premiere night dahil ito ang kulay ng winning gown ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Read: Pia Wurtzbach shares story behind her iconic royal blue gown at Miss Universe 2015 pageant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nanghinayang si Maui na gumastos ng P130,000 dahil ang red-carpet premiere ng Hello, Universe! ang una at malaking showbiz event na dinaluhan niya matapos ang pandemya.

“Sabi ko, okay lang kahit ganoon kamahal. Pikit-mata. I was very happy with the outcome.

“Nag-decide kami ng team ko ng isang linggo tapos nag-fitting kami ng Monday for my measurements. Thursday, nandiyan na yung gown. Na-prioritize nila ako.

“Ginawa ko siya talaga na royal blue kasi yun ang theme ng movie, universe. Pinili ko talaga yung color na yon.

“It was so special na first red carpet ng Viva for 2023. I wanted to be well-dressed.

"After so many years, ngayon na lang uli ako lumakad sa red carpet. I wanted something really special," lahad ni Maui.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maui Taylor on separation from partner and the father of her two kids: "Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang. Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three wala na."
PHOTO/S: @therealmauitaylor on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results