Nagdiwang kahapon, January 28, ng ika-7 birthday si Niña Cabahug, ang anak na bunso ni Lian Paz at ng partner nito na si John Cabahug.

Ginanap ang Barbie themed- birthday party ni Niña sa events area sa tahanan nina Lian at John sa Cebu na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Sa panayam kay Lian ng Philippine Entertainment Portal ngayong Linggo ng umaga, January 29, sinabi ng dating aktres at EB Babes dancer na paborito ni Niña si Barbie kaya ito ang tema ng birthday party ng anak nila ni John.

“She wanted to have a Barbie birthday, every little girl loves Barbie and we are very thankful for all the Barbie gifts and giveaways given to her.
“John wished her to always be honest and listen to her parents, especially to mommy.
“Ako naman, ever since baby pa siya, magkatabi at magkasama kami lagi.
“Palagi ko yan kabuntot kaya wish ko na she will stay that way, how sweet she is, how loving and caring she is and maging God-fearing,” pahayag ni Lian na malaki ang pasasalamat kay John dahil sa pagmamahal nito sa kanya at sa kanilang mga anak na sina Xonia, Xalene at Niña.
“No matter how busy he is, he managed to give his time for Niña’s celebration. Lately kasi dire-diretso ang work and commitments niya as Vdrink basketball team coach also. But noon naman until today, basta sa mga bata, hindi puwedeng absent siya.”
Matagal nang wala sa showbiz si Lian at tahimik na siyang namumuhay sa Cebu kaya hindi na namin tinanong ang kanyang reaksyon sa mga pahayag ni Paolo Contis sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang Biyernes, January 27.
Umiiyak na nagpasalamat si Paolo kina Lian at John dahil sa maganda at maayos na pagpapalaki sa kanyang estranged daughters na sina Xonia at Xalene na pitong taon na niyang hindi nakikita at nakakausap.
Nagsalita si Paolo na masuwerte siya kay John na itinuturing na mga tunay na anak sina Xonia at Xalene.