PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagkapanalo ng Pilipinas sa Miss Planet International, bayad?

"Bayad po ang Korona ang na panalunan ng Miss Planet Philippines...
by Jojo Gabinete
Published Jan 30, 2023
maria luisa varela miss planet international
Wilbert Tolentino, manager of Herlene Budol, claims that Philippine bet Maria Luisa Varela's (in photos) win in Miss Planet International 2023 is rigged. Wilbert is also claiming that he is still the national director of Miss Planet Philippines.
PHOTO/S: @stayempressive on Instagram / YouTube

Si Maria Luisa Varela ng Pilipinas ang nanalong Miss Planet International 2023 sa coronation night na ginanap sa Koh Pich Theatre ng Phnom Penh, Cambodia, noong Linggo, January 29, 2023.

Siya rin ang tumanggap ng special award na Miss Social Media.

Read: Wilbert Tolentino, iginiit na hindi legit ang bagong Miss Planet Philippines candidate at national director

Labing-apat lamang ang opisyal na kandidata sa Miss Planet International pero anim ang mga runner-up ni Varela.

First runner-up si Jemima Ruth Mandemwa ng Zimbabwe, second runner-up si Ono Aya ng Japan, third runner-up si Tiffany Ham ng Vietnam, fourth runner-up si Katarina Juselius ng Finland, at fifth runner-up si Alina Safronova ng Latvia, at sixth runner-up si Srey Leak Pok ng Cambodia.

Nagkaroon ng kontrobersiya ang tagumpay ni Maria Luisa sa 2nd Miss Planet International dahil sa mga alegasyon ni Wilbert Tolentino, na iginigiit na siya pa ring national director ng nasabing beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Lunes ng umaga, January 30, ibinahagi ni Wilbert sa Facebook page nito ang kuwento tungkol sa diumano’y mga nangyaring pandaraya kaya hindi dapat ipagdiwang ng mga Pilipino ang tagumpay ng newly crowned beauty queen.

Mabibigat ang mga paratang ni Wilbert dahil, diumano, bayad ang korona ni Maria Luisa. Scripted din umano ang question-and-answer segment ng Miss Planet International 2023 dahil alam na raw ng kinatawan ng Pilipinas ang tanong.

Ito ang kabuuan ng Facebook post ni Wilbert.

“Hello mga Marites ng Pilipinas! Marami nag re-request sa akin maglabas ako ng statement tungkol sa Miss Planet Philippines National Director ng period ko. eto na ang perfect timing na statement ilalabas ko!

“So, eto na nga mga Marites, huwag po muna tayo magdiwang sa pagkapanalo ang Miss Planet Philippines sa International stage ng MPI.

“FYI lang po guys, bayad po ang Korona ang na panalunan ng Miss Planet Philippines at alam na nya final Question. bago cya lumipad ng Cambodia para sumabak ng MPI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ate Girl (Maria Luisa) lumaban ka ng patas kawawa din mga co-candidate mo at nag-e-effort din cla para sa pageant sinalihan nila at mag-travel pa sila patungong Cambodia.

“Deserve mo etong post ko. Dahil bukod sa pag-bypass n’yo sa akin ng kupal mong National Director si Miki Antonio. wala pa rin kayong modo at sobra kayong mabastos at kayo pa galit-galitan.

“You must at least, magpasintabi or courtesy call sa akin kung may pangarap ka maging beauty queen baka ma-consider ko pa at gawan pa kita release paper agad- agad. Sana inicip n’yo rin yan bago kayo sumabak sa Cambodia kung meron ba kayo matatapakan ng tao.

“Very supportive ako sa pageant world lalo na kung may bansang Pilipinas ang e- represent.

“Kaya kahit balik-baliktarin natin ang dokumento ako pa rin ang NATIONAL DIRECTOR ng MISS PLANET PHILIPPINES. Klaro po tayo?

“Eto naman ang summary sa statement ko! Makikita n’yo bago e ganap ang coronation last nyt ay meron na silang tatlong winner naka-post in order at in just one frame.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang MPI pinaglalaro mga delegates at ginawa lang thank u girl dahil meron na silang tatlong winners!

“Nag-reach out ako sa iyo at ikinuwento ko pa sa’yo na mahigit kami 60-plus countries na hindi magsusuporta sa MPI,dala sa karanasan ng trauma at takot lahat sa Uganda.

“As National Director for Ms. Planet in the Philippines, I would like to clarify that no replacement has been made.

“The Philippines will not send any representative to Ms. Planet competition this year,”

Kalakip ng kanyang post ang mga screenshot ng mga mensaheng ipinadala niya kay Varela at sa kanyang ibang mga kausap na binigyan siya ng babalang mag-ingat sa Miss Planet International Director General na si Halimas “Halley” Min.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Wilbert ang talent manager ng comedienne na si Herlene Budol.

Si Herlene ang first runner-up sa 58th Binibining Pilipinas noong July 31, 2022.

Hiningi ni Wilbert ang permiso ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organizer ng Binibining Pilipinas, dahil ang kanyang alaga ang gusto niyang ipadala sa 2nd Miss Planet International.

Read: Herlene Budol, pambato ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022

Pumayag ang BPCI kaya lumipad si Herlene sa Kampala, Uganda noong November 3, 2022 para maging kinatawan ng ating bansa sa 2nd Miss Planet International.

Read: Herlene Budol off to Uganda for Miss Planet International 2022: "Cheer niyo ako mga KaSquammy..."

Pero hindi natuloy ang coronation night noong November 19 dahil sa maraming problema na hindi nalutas ng pageant organizer.

Nagpasya si Wilbert na huwag nang isali si Herlene sa nasabing contest kaya literal na luhaang bumalik sa Pilipinas ang beauty queen-comedienne.

Read: Herlene Budol caught crying on cam at the height of Miss Planet International 2022 controversy in Uganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Tolentino, manager of Herlene Budol, claims that Philippine bet Maria Luisa Varela's (in photos) win in Miss Planet International 2023 is rigged. Wilbert is also claiming that he is still the national director of Miss Planet Philippines.
PHOTO/S: @stayempressive on Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results