Nakipaghiwalay na si Sheree Bautista sa kanyang boyfriend makalipas ang walong taong pakikipagrelasyon.
Ito ang dahilan kaya nagdesisyon siyang pumunta sa Amerika noong October 2022 para maghilom ang sugat sa puso niya.
“Eight years po kami together and I guess, napagod na ako sa paghihintay ng marriage proposal,” pabiro pero may katotohanang pahayag ni Sheree sa Cabinet Files ngayong Lunes, January 30, 2023.
“Hindi masyadong public ang relasyon namin dahil I wanted a peaceful and private relationship.
"Siguro, ganoon talaga, people grow apart. Hindi lahat pinagtagpo at itinadhana para sa isa’t isa.
"Ang important, okay ang memories na naiwan."
Dagdag ni Sheree, “Baka kailangan ding mag-focus muna ako sa sarili at career ko.
“For now, career-wise, marami pa akong gustong ma-achieve.”
Ang higit na mahalin at mangarap para sa sarili at pahalagahan ang pamilya ang ilan sa mga natutunan ni Sheree nang maghiwalay sila ng boyfriend, na hindi na niya sinabi ang pangalan, kaya sigurado na ang kanyang planong pag-aaral sa New York City.
Pahayag ng singer-performer, “Na-lost talaga ako. I needed to clear my mind and isipin kung ano ang gusto ko.
"We tried to patch things up pero mahirap talaga. Kinailangan na hanapin ko muna ang sarili ko.
“In life, sometimes even good things never last kaya dapat mahalin ang sarili, work for yourself and for your family, learn to be independent.
“Family is the most important support system. Kapag nawala ang lahat, ang family pa rin ang uuwian mo."
Pagpapatuloy ni Sheree, “Dapat pala, may timeline ka kung walang balak na mag-next level [sa relationship ] ang partner mo. Huwag sayangin ang time.
"Ang sabi nga ni Miley Cyrus, ‘I can buy myself flowers.’
“Uunahin ko muna na ayusin ang buhay ko, grow as a person, dream big, and make things possible for me.
“I will study directing and storytelling sa New Film School sa May 2023.
“But before that, babalik muna ako sa Pilipinas para sa upcoming project ko na first lead role ko.
"Malaki ang pasasalamat ko sa Viva Films dahil mabibigyan na ako ng sariling pelikula. Sobrang excited ako."
Postscript: Hindi nasayang ang pag-alis ni Sheree sa Pilipinas noong October 2022 matapos makipaghiwalay sa karelasyon niya dahil nagkaroon siya ng mga show sa U.S. at pictorial para sa isang magazine cover na lalabas sa March 2023.
