PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actress Asks Ex-Actor About New Man

Aktor, nainsulto sa tanong ng ex-girlfriend na aktres.
by Jojo Gabinete
Published Feb 2, 2023
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Diretsahanng tinanong ng isang aktres dating karelasyong aktor tungkol sa mga tsismis na nakararating sa kanya.

Mahal ng aktres ang aktor at naniniwala siyang importante sa pagkakaroon ng matatag na relasyon ang pagiging matapat sa isa’t isa kaya nagtanong siya tungkol sa mga balitang nag-uugnay sa kanyang boyfriend sa kapwa lalake.

Sinabi ng aktres na mauunawaan nito kung pumatol man ang aktor sa bakla dahil sa pinansiyal na pangangailangan. Maiintindihan din niya kung kapwa lalake rin ang talagang napupusuan ng kanyang boyfriend.

Imbes na sagutin ang mga tanong ng aktres, na maganda ang motibo at gusto lamang tulungan ang pinakamamahal na karelasyon, sinabi ng aktor na naiinsulto siya sa mga pahayag na kanyang narinig.

Sinabihan ng aktor ang nag-usisang girlfriend ng “Please leave.”

Nangyari ang pag-uusap ng dalawa sa bahay ng aktor.

Tahimik na umalis ang aktres na nalungkot dahil bukod sa pinaalis siya, hindi nagpakatotoo sa sarili ang boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya na ang aktres sa piling ng lalakeng pinakasalan niya.

Samantala, hanggang ngayon, walang nababalitang may karelasyong babae ang aktor na nainsulto nang usisain tungkol sa kanyang tunay na sexual orientation pero hindi nawawala ang mga tsismis tungkol sa pagpatol niya sa kapwa lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results