PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV Personality Faces Harassment Claims

Mga larawan ng panghihipo ng male TV personality, kalat na sa social media.
by Jojo Gabinete
Published Feb 4, 2023
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

“Sexual harassment” ang reklamo laban sa male TV personality na pinararatangan ng panghihipo sa mga kababaihan dahil sa sobrang kalasingan nang dumalo siya sa isang Christmas party noong 2022.

Mabuting tao ang pagkakakilala ng marami sa male TV personality kaya ikinagulat nila ang pagkakasangkot niya sa isang maselang isyu.

Pinag-uusapan na ito sa social media dahil, diumano, nababagalan ang mga naghain ng reklamo sa nagaganap na imbestigasyon.

Kumakalat na rin ang mga larawan ng mga naganap sa pagtitipon na dinaluhan ng male TV personality na tila mahihirapang itanggi ang insidente dahil malinaw na malinaw ang mga ebidensiya.

Inaabangan ang paliwanag o depensa ng male TV personality tungkol sa eskandalong kinasasangkutan niya dahil isa sa mga araw na ito, hindi imposibleng tahasan nang sabihin ng mga complainant ang kanyang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results