PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos, Leni Robredo nagbigay-pugay kay Lualhati Bautista

"Maraming salamat po sa inspirasyon"
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2023
Lualhati Bautista
Nagbigay-pugay sina Vilma Santos-Recto, former Vice President Leni Robredo, Direk Adolf Alix, Jr at Direk Darryl Yap sa yumaong nobelista at political activist na si Lualhati Bautista, na sumakabilang-buhay ngayong Linggo, Pebrero 12, 2023.
PHOTO/S: Lualhati Bautista Facebook page

Kabilang si Star for All Seasons na si Vilma Santos at si former Philippine Vice President Leni Robredo sa mga kilalang personalidad na nagbigay-pugay sa yumaong nobelista na si Lualhati Bautista.

Kinumpirma ng pamilya ni Bautista ang kanyang pagpanaw, sa edad na 77, sa tahanan niya sa Quezon City nitong Linggo ng umaga, February 12, 2023. Hindi pa sila nagbibigay ng mga detalye tungkol sa burol at libing ng namayapang nobelista at political activist na lumaban para sa karapatan ng mga kababaihan.

Ang Dekada ’70, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? at Bulaklak ng City Jail ang ilan sa mga premyado at hinahangaang akda ni Bautista na isinalin sa pelikula at pinagbidahan ng mga batikang aktres, sina Vilma at Nora Aunor.

Mapalad si Vilma dahil siya ang bida sa dalawang sikat na nobela ni Bautista na nagkaroon ng film version, ang Dekada ’70 at Bata, Bata, Paano Ka Ginawa, kaya nagpahatid agad siya ng pakikiramay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Vilma: “Paalam at maraming salamat, Bb. Lualhati Bautista. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Ipagpapatuloy ko ang pakikibaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan!”

Nagbigay-pugay rin si Leni Robredo kay Bautista na isa sa mga masugid na sumuporta sa kanyang presidential bid noong May 2022.

“Isang pagpupugay kay Lualhati Bautista. Maraming salamat, Ma’am, sa pagbabahagi ng sarili, husay, at tapang sa pamamagitan ng inyong buhay at mga akda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Malaking karangalan po na matanggap ang inyong suporta,” reaksiyon ng dating bise presidente ng Pilipinas tungkol sa pagpanaw ni Bautista na kawalan sa mundo ng literatura sa Pilipinas.

Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang mga direktor na sina Adolf Alix Jr. at Darryl Yap.

Ginamit naman ni Adolf sa kanyang pagluluksa sa pagkamatay ni Bautista ang mga linyang isinulat nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post niya sa kanyang Facebook account: “Na minsan, ang manunulat ay hindi lang ang manunulat kundi ang tauhan din ng kanyang kwento. Ang tauhan ay ang puso't kaluluwa, ang sarili, ng isang manunulat.”

-Lualhati Bautista, In Sisterhood—Lea at Lualhati

“Maraming salamat po sa inspirasyon at sa mga makabuluhang akda Bb. Lualhati!

“Di ko po makakalimutan ang ating mga kuwentuhan.

"Nawa’y maisapelikula ko rin ang kuwentong binigay ninyo sa amin.”

Kahit nagalit sa kanya si Bautista dahil sa kanilang magkaibang paniniwala sa pulitika, itinuturing umano ni Darryl Yap na bayani nito sa pagsusulat ang nobelista na binawian ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naalala ko pa kung paano siya nagalit sa akin dahil sa magkasalungat na paniniwala; gayunpaman, mananatili po kayong isa sa aking mga bayani sa panulat at pagkukuwento— salamat sa obra mong GAPO, na dahilan kung bakit ang isang katulad kong Batang Gapo ay nahilig magbasa.

“Rest in Peace, Lualhati. Maraming salamat sa mga likha mo,” ang pasasalamat ni Yap.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay-pugay sina Vilma Santos-Recto, former Vice President Leni Robredo, Direk Adolf Alix, Jr at Direk Darryl Yap sa yumaong nobelista at political activist na si Lualhati Bautista, na sumakabilang-buhay ngayong Linggo, Pebrero 12, 2023.
PHOTO/S: Lualhati Bautista Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results