PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ella Cruz, absent sa mediacon ng bagong pelikula

Ella Cruz, nakaiwas na magbitiw ng salitang maaaring ika-bash niya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 18, 2023
Ella Cruz
Nataon sa press conference ng Martyr or Murderer ang pag-alis ni Ella Cruz patungo sa South Korea kaya hindi na siya nakadalo sa press conference ng pelikula.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram

Wala si Ella Cruz sa media conference ng Martyr or Murderer na ginanap noong February 9, 2023 sa Podium Hall, Pasig City dahil bumiyahe siya sa South Korea, kasama ang kanyang boyfriend na si Julian Trono.

Tatlong buwan na mawawala sina Ella at Julian sa Pilipinas dahil magiging abala sila sa kanilang recording at training sa South Korea na dahilan din kaya parehong hindi aktibo ang dalawa sa social media.

Nataon sa press conference ng Martyr or Murderer ang pag-alis ni Ella patungo sa South Korea kaya hindi na siya nakadalo sa press conference ng pelikula na mapapanood sa mga sinehan simula sa March 1, 2023.

Si Ella ang gumanap na Irene Marcos sa Maid in Malacañang, ang unang installment sa tatlong pelikula ng direktor na si Darryl Yap tungkol umano sa buhay ng pamilya Marcos, matapos mapaalis sa puwesto si dating Pangulo Ferdinand Marcos dahil sa EDSA Revolution noong February 1986.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging kontrobersyal at maingay ang partisipasyon ni Ella sa Maid in Malacañang dahil sa kanyang pahayag noong July 2022 na, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history.

"Andoon na yung idea pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion."

Dahil sa kanyang paghahalintulad sa "tsismis" at "kasaysayan," inulan siya ng hate comments at pinutakti ng mga basher na kontrang-kontra sa paniniwala niya.

Ngayong 2023, nakaligtas si Ella sa mga kritiko ni Yap at ng Martyr or Murderer dahil hindi nga siya dumalo sa media conference ng pelikula.

Naiwasan niya na magbitiw ng mga salita na puwedeng maging rason muli para mag-alburoto ang mga tao na hindi sang-ayon sa kanyang paniniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nataon sa press conference ng Martyr or Murderer ang pag-alis ni Ella Cruz patungo sa South Korea kaya hindi na siya nakadalo sa press conference ng pelikula.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results