“I’m back!”
Ito ang masiglang pahayag ni former Manila City Mayor Isko Moreno nang dumalo siya sa media conference ng Martyr or Murderer ngayong Lunes ng gabi, February 20, 2023.
Si Isko ang gumanap sa karakter ni former Senator Ninoy Aquino sa bagong pelikula ng Viva Films.
Si Ninoy ay pinaslang sa tarmac ng dating Manila International Airport noong August 21, 1983.
Ayon kay Isko, tinanggap niya agad ang proyekto dahil isang malaking karangalang maging bahagi siya ng nabanggit na pelikula.
“Immediately, I said yes, kaya I’m happy and honored.
"It’s also a great challenge to portray such character like Ninoy who was declared by the state as a hero. It’s a happy experience.
"May mga nakakaintrigang portion sa MoM [na] dapat panoorin,” saad ni Isko.
Nagpakita rin sa media conference ng Martyr or Murderer si Senator Imee Marcos, na "nagulat nang bonggang-bongga" nang malaman niyang pumayag si Isko na gampanan ang papel ng dating senador.
Read: Reason why Joaquin Domagoso was "bothered" when dad Isko Moreno starred in a rival movie
May sagot si Isko sa nagulat na reaksiyon ni Marcos.
Sabi niya, “Good thing coming from the senator kasi wala akong ampalaya sa buhay.
“In a competition, may nananalo, may natatalo. It just so happen na ako yung natalo, and that’s it," pagtukoy ni Isko sa 2022 persidential elections kung saan isa siya sa mga tinalo ni Ferdinand Marcos Jr. bilang Pangulo.
Dagdag ng dating Manila mayor, “The next day, there’s a new day, there’s new life. Even Imee can attest to this, Bonget... sorry I call him Bonget kapag medyo kilala mo…
“President Bongbong Marcos is also a mutual… parang… alam nila produkto nila ako.
“The mom, First Lady Imelda Marcos, built Tondo High School. Doon ako nag-graduate and they know it.
"September 25 nang dumating si Apo [former President Ferdinand Marcos Sr.] sa eroplano, sa tarmac. I was there.
“Wala akong asim sa kanila. It’s just so happen that we competed and I lost, and that’s it.
"Nandoon na yung tuldok ng buhay. Ngayon, I’m trying to make a living."