Naglabas ng opisyal na pahayag ang Viva Artists Agency, Viva Films, at Vivamax Philippines tungkol sa social media post ngayong Biyernes, February 24, 2023, na naghahanap ng mga baguhang artista ang Vivamax.
Nakasaad sa post: “Looking for actors and actresses for Vivamax. 18+only. Mature roles. Message us.”
Umani ito ng mga nakakatawa na komento mula sa publiko, pero huwad ang imbitasyon sa auditions.
Dahil dito, may paalaala ang pamunuan ng Viva Communications Inc.:
“This is to inform the public that official Viva Calls for Auditions or Casting Calls are only posted in the following Social Media accounts: Viva Artists Agency, Viva Modeling Agency, Viva Films, Viva Records, Viva Entertainment.
“Any other Audition or Casting Call that is posted in other pages and/or individuals claiming to be employees of the Viva Group of Companies are not official. Please only refer to our official Social Media pages for any updates.”

Malinaw na peke ang social media post tungkol sa diumano’y auditions na ipinatatawag ng Vivamax Films dahil, unang-una, walang Vivamax Films dahil tulad ng Viva Prime.
Isang streaming site ang Vivamax at dito ipinalalabas ang mga pelikula ng Viva Films na may mga mature content.
Pangalawa, burado na ang Facebook page ng Vivamax Films dahil maaaring may nag-report na sa Facebook administration tungkol sa fake news na ikinalat ng taong nasa likod ng panloloko na matapang na gumamit sa official logo ng Vivamax.