PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Rabiya Mateo invests in luxury jewelry

Rabiya renews contract with LVNA Jewelry
by Jojo Gabinete
Published Feb 25, 2023
Avhel Ponseca
Dannielle Ibay
Rabiya Mateo
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (kanan, with LVNA Vice-President for Operations Avhel Ponseca and LVNA President Dannielle Ibay during Rabiya's contract renewal), naniniwalang magandang investment pa rin ang alahas. Aniya, “Ako po talaga, naniniwala na after ilang years, yung jewelry, it's gonna appreciate its value so kapag ibinenta mo, mas malaki."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

May sentimental na halaga kay Rabiya Mateo ang pares ng half-moon diamond earrings na ipinahiram sa kanya ni Drake Dustin Ibay ng LVNA Jewelry nang sumali siya sa 69th Miss Universe noong May 2020.

Rabiya Mateo

Para kay Rabiya, may hatid na inspirasyon ang kuwento ng hikaw na nagkakahalaga ng Php600,000 na muntik nang mawala at nagbigay sa kanya ng sobrang takot, dahil tiyak na siya ang magbabayad kung tuluyan nang naglaho ang mamahalin na alahas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung earring po na iyon, dating ipinahiram sa akin sa Miss Universe. Yun po yung muntikan ko nang maiwala sa pool when I was competing sa Miss Universe.

“I was clumsy at that time. Nasa shoot kami sa pool and then after ilang shots, na-realize ko na wala sa akin yung earrings. Nag-stop talaga yung shoot namin kasi sabi ko, ‘Oh my God! Where’s my earrings?’

“Nung malaman nila na diamonds, everybody was like panicking, pero nakita po ng staff. Nahulog lang sa gilid, mabuti hindi sa tubig, so I’m still blessed. Iniisip ko during that time, magko-compete ako, magkano kaya ito?” ang kuwento ni Rabiya na lalong kinabahan nang malaman nito na P600,000 ang halaga ng hikaw na pag-aari na niya ngayon.

“After that, sinabi ko ‘Can I buy this one?’

“Parang may sentimental value na po siya sa akin.

“Ipinahiram lang sa akin, but it’s a funny and beautiful story kung iisipin natin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging malalim ang relasyon ni Rabiya sa LVNA Jewelry dahil pagkatapos niyang lumahok sa 69th Miss Universe, kinuha siya bilang ambassador ng jewelry business ni Dustin Drake.

At sa pagpirma niya ng bagong kontrata nitong nakaraang Biyernes, February 24, investor at business partner na ang former Miss Universe Philippines winner.

“They sponsored for my jewelry and after that, they signed me up as their ambassador. I am very much lucky kasi akala ko hanggang sa Miss Universe lang.

“And now after a year, ngayon po, I have a renewal of my contract in LVNA and also part owner,” ang masaya at halos hindi makapaniwalang sabi ni Rabiya.

“Nahilig na lang po ako sa jewelries after Miss Universe kasi I will be honest, dati po, mga peke-peke ang mga isinusuot ko at kumakati rin ang aking mga tenga.

“Pero hindi naman ako nag-start na bili agad. Nag-start din po ako na humihiram ako kay Drake, mga ex-deal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At ngayon po, I can afford na. Hindi naman yung mamahalin talaga but at least…

“Nabigyan ko na rin po yung Mama ko ng pair of earrings. That was my gift for her and a bracelet last year, Mother’s Day.

“Ako po talaga, naniniwala na after ilang years, yung jewelry, it's gonna appreciate its value so kapag ibinenta mo, mas malaki.

“So if you’re looking for an investment, puwede mo siya maitago. Mabilis ma-secure, kita mo agad at I believe, mabilis na madi-dispose.”

Tanggap ni Rabiya na hindi pang-habampanahon ang kanyang showbiz career kaya bukod sa pagiging part-owner ng LVNA, nag-invest siya sa ibang mga negosyo.

“Yung LVNA po, naniwala sila sa akin kaya I also believe in their brand, so I decided na since I have savings din naman, nakapag-ipon na ako. I have enough money, gusto ko po sana magpasok ng konti at least para in the future, may makuha rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s like passive income so I really want to be smart and I want my money to really work for me, kasi hindi naman po pang-habambuhay ang showbiz. So habang meron pa, I need to be smart.

“Parang nakikita ko na sa showbiz, today gusto ka. Tomorrow hindi, pero it doesn’t mean na wala ka nang chance to thrive.

“Ako po kasi bilang tao, I am very sigurista. Siguro po kasi panganay ako at nanggaling ako sa walang-wala, so sa lahat ng bagay, sa lahat ng trabaho na ginagawa ko, I make sure na secured yung future ko at saka ng pamilya ko.

“So now, habang blessed pa po talaga ako with my work sa hosting at hopefully po, this year, may matutuloy po na teleserye, I just want to save as much as I can.”

Hindi inililihim ni Rabiya na nagmula ito sa mahirap na pamilya kaya malaki ang pagpapahalaga niya sa bawat pera na kanyang kinikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ikinahihiya ni Rabiya na sabihin na maliit na condominium unit ang kanyang inuupahan sa kasalukuyan at matipid siya sa paggastos.

“I still rent a small condo. Yung lifestyle ko po, naggo-grocery pa rin kami para makatipid.

“Kahit artista ako, yung lifestyle ko, I make sure na everything is still budgeted,” ani Rabiya na itinuturing ang sarili na matagumpay dahil natutulungan na niya ang kanyang ina at kapatid.

“Ganoon talaga ang definition ko ng success. I don’t wanna be emotional about it kasi it’s a happy thing talaga pero looking back dati, iniisip ko na paano kami ng Mama ko?

“Tumatanda na rin siya tapos yung kapatid ko, nag-aaral pa nung start yung pandemic.

“Nung nag-start yung pandemic, walang pumapasok. Nakikita ko, nababawasan yung savings ko pero I fought for that dream kahit almost mag-quit na rin ako because of funds.

“And now, iniisip ko na grabe yung blessings ni Lord kasi three years after the pandemic, parang binigyan pa rin niya ako ng source of income in different aspects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Now I am an investor to three companies, so I just need to be humble and always be grateful talaga kasi hindi lahat ng beauty queens nabibigyan ng ganitong oportunidad.”

Ginanap ang contract signing ni Rabiya sa Molito, Alabang branch ng LVNA na itinuturing niya na masuwerte dahil sa nabanggit na lugar din siya unang pumirma ng kontrata.

Si Dane Ibay ang presidente ng LVNA at ayon sa kanya, hindi sila nagdalawang-isip ng kanyang kapatid na si Drake Dustin na muling papirmahin ng kontrata si Rabiya dahil isa ito sa kanilang matatapat na investor at ambassador.

“She’s one of our loyal investors talaga and we want to keep the relationship between LVNA and Rabiya intact for years.

“She’s one of the most down-to-earth people I have ever met. She’s really like a one call away.

“She’s really classy. You know naman na diamonds are classy, versatile din si Rabiya so whatever we make her wear, bagay talaga sa kanya,” ang pahayag ni Dane tungkol kay Rabiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (kanan, with LVNA Vice-President for Operations Avhel Ponseca and LVNA President Dannielle Ibay during Rabiya's contract renewal), naniniwalang magandang investment pa rin ang alahas. Aniya, “Ako po talaga, naniniwala na after ilang years, yung jewelry, it's gonna appreciate its value so kapag ibinenta mo, mas malaki."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results