PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pugot na Ulo ni Abby Choi Ginawang Sopas

Mga suspek sa pagpatay kay Abby Choi, nasa kustodiya na ng Hong Kong police.
by Jojo Gabinete
Published Feb 28, 2023
abby choi murder
Kinumpirma ng Hong Kong Police na isang bungo na may buhok pa, mga tadyang ng tao, mga lahok na carrots at pipino, ang ginawang sopas sa dalawang kalderong kinumpiska nila mula sa isang apartment. Pinaniniwalaang ang ulo at tadyang ng Hong Kong socialite na si Abby Choi ang laman ng mga kaldero.
PHOTO/S: @xxabbyc on Instagram

[Trigger Warning: Murder & Violence]

Lilimitahan ng pamunuan ng Harrow International School ang paggamit ng electronic devices ng kanilang mga estudyante para mabawasan ang epekto ng mga online news tungkol sa karumal-dumal na pagpaslang sa 28-year-old socialite, fashion model, at social media influencer na si Abby Choi.

Nag-aaral sa Harrow International School ang anak na babae ni Choi na may edad na walong taon.

Makikipagtulungan ang psychologist, counsellor, therapy team at staff ng health-care center ng paaralan para mabigyan ang anak ni Choi at ang ibang estudyante ng suporta para maibsan ang epekto ng malagim na pangyayari.

Read: Hong Kong socialite Abby Choi, 28, karumal-dumal na pinatay, kinatay

Iniulat na nawawala si Choi noong February 21, 2023.

Noong February 24, natagpuan ng mga miyembro ng Hong Kong Police sa isang apartment sa Tai Po District ang mga bahagi ng kanyang kinatay na katawan. Naroon din ang ID cards, credit cards, at ibang mga gamit niya, pati na ang meat grinder, chainsaw, gloves, at maskara na ginamit sa malagim na krimen.

Noong Linggo, February 26, kinumpirma ng Hong Kong Police na ang laman ng dalawang kalderong kinumpiska nila mula sa isang apartment ay sopas na gawa sa bungo na may buhok pa, mga tadyang ng tao, at mga lahok na carrots at pipino.

Napag-alamang ang naturang apartment ay inuupahan ni Kwong Kau, ang 65-year-old former policeman at former father in-law ni Choi. Ito ang itinuturong nagplano sa pagdukot at pagpatay sa biktima.

Gamit ang DNA test at dental records, kasalukuyang sinusuri ng Hong Kong forensic experts kung ulo at mga tadyang ni Choi ang laman ng mga kaldero.

“When we found the two pots of soup at the scene, one of the pots measuring 50cm deep and 40cm in diameter was almost full and covered with thick fat, some green and orange carrots, and meat believed to be human flesh.

“Forensic experts recommended that we not carry out any inspection at the site to preserve evidence, so we decided to transport the pots to a mortuary for further inspection,” pahayag sa South China Morning Post ni Superintendent Alan Chung.

Si Chung ay kabilang ng Kowloon West Regional crime unit na nag-iimbestiga sa kasong pumukaw sa atensiyon ng international media at ng buong mundo.

Nasa kustodiya na ng Hong Kong Police ang mga suspek na hindi pinayagang makapagpiyansa para sa masahol-pa-sa-hayop na pagpatay kay Choi.

Kabilang sa mga suspek ang mga dating biyenan ni Choi na sina Kwong Kau, 65, at Jenny Li, 63, na nadamay dahil sa obstruction of justice; ang dating bayaw ni Choi na si Anthony, 31; at ang ex-husband ni Choi na si Alex, 28.

Itinuturing ding suspek ang diumano'y mistress ni Alex na may palayaw na "Yung Yung," 47.

Nagtangkang tumakas si Alex pero nadakip siya sa Tung Chung pier sa Lantau Island noong Sabado, February 25.

Luxury watches na nagkakahalaga ng 28 million at 3.5 million (Philippine currency) ang bitbit ni Alex nang hulihin ito ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon ng Hong Kong Police, pera ang dahilan ng ugat ng pagpatay kay Choi, na sinasabing patuloy na tumulong at nagbigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng dating asawa, kahit may ibang asawa at mga anak na siya.

Dalawa ang anak si Choi kay Alex.

Dalawa rin ang supling ni Choi kay Chris Tam, ang pangalawang asawa ng socialite na kanyang pinakasalan noong December 2016.

“Kind-hearted person who always wanted to help others and she had always supported and loved me,” pagsasalarawan ni Tam sa kanyang pinaslang na asawa, kasunod ang pangakong aalagaan at mamahalin niya ang apat na anak na naulila ni Choi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng Hong Kong Police na isang bungo na may buhok pa, mga tadyang ng tao, mga lahok na carrots at pipino, ang ginawang sopas sa dalawang kalderong kinumpiska nila mula sa isang apartment. Pinaniniwalaang ang ulo at tadyang ng Hong Kong socialite na si Abby Choi ang laman ng mga kaldero.
PHOTO/S: @xxabbyc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results