PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo, may mensahe para kina Mommy Divine at Daddy Delfin

Mommy Divine and Daddy Delfin, wala sa tabi ni Sarah sa 20th anniversary nito.
by Jojo Gabinete
Published Mar 2, 2023
Sarah Geronimo and Vic del Rosario
Sa pagdiriwang niya ng 20th anniversary sa showbiz, wala sa tabi ni Sarah Geronimo ang mga magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Ikinatuwa naman ni Sarah ang mainit na pagsalubong sa kanya sa HQ ng Viva sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.

Ang mga magulang niyang sina Divine at Delfin ang kabilang sa mga pinasalamatan ni Sarah Geronimo nang ipagdiwang niya ang ika-20 anibersaryo ng matagumpay niyang showbiz career.

Naganap ito kahapon, March 1, 2023.

"Sa aking mga magulang, sa aking Mommy Divine at Daddy Delfin Guwapo, sa aking family, thank you," sabi ni Sarah.

Read: Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”

Malaki ang kontribusyon ng mga magulang ni Sarah sa pagsikat niya mula nang sumali siya sa Star for A Night, ang singing competition ng Viva Television. Umere iyon sa IBC 13 mula March 31, 2002 hanggang March 1, 2003.

Si Sarah ang itinanghal na grand champion ng Star for A Night noong March 1, 2003, at naging instrumento ito para matupad ang kanyang mga pangarap.

Bumisita siya sa Viva Communications office sa Pasig City kahapon, March 1.

Nasorpresa si Sarah dahil sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga empleyado, sa pangunguna ng Viva founder at CEO na si Boss Vic del Rosario Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sarah geronimo boss vic del rosario jr.

Hindi nakalimutan ni Sarah magbigay-pugay sa lahat ng mga nakasama niya sa kanyang paglalakbay sa entertainment industry.

"Nagpapasalamat po ako kay Lord at umabot po ako ng dalawang dekada dito sa showbiz at sa lahat po ng mga sumusuporta sa akin, sa Popsters, maraming salamat.

"Sa aking mga fur babies, thank you. My Viva family, thank you. My ABS-CBN family, thank you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And my husband, thank you my love, Matteo Guidicelli."

Hindi lamang si Sarah ang nagdiwang kahapon ng 20th anniversary sa showbiz, kundi ang ka-batch niyang si Mark Bautista.

Si Mark ang first runner-up sa batch nila ni Sarah sa Star for A Night.

Si Mark ay 19 years old nang sumali sa singing competition ng Viva Television noong 2003.

mark bautista & sarah geronimo star for a night

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At gaya ni Sarah, hindi lamang siya nagtagumpay bilang singer dahil nasubukan din niyang magbida sa mga pelikula.

Mayroon sanang pagdiriwang si Mark ng kanyang 20th showbiz anniversary sa isang programa ng GMA-7, pero hindi siya nakasipot sa taping dahil nagkasakit siya.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagdiriwang niya ng 20th anniversary sa showbiz, wala sa tabi ni Sarah Geronimo ang mga magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Ikinatuwa naman ni Sarah ang mainit na pagsalubong sa kanya sa HQ ng Viva sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results