PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arthur Nery, sisimulan na ang world tour; first stop ang Canada

Arthur Nery, excited nang haranahin ang fans sa Canada.
by Jojo Gabinete
Published Mar 5, 2023
Arthur Nery
OPM singer Arthur Nery sa unang leg ng kanyang World Tour 2023: "I’m grateful for the support I’ve received for my songs and I look forward to connecting with more fans across Canada."
PHOTO/S: @arthurmnerry Instagram

Kasagsagan ng coronavirus pandemic nang sumikat nang husto ang OPM singer na si Arthur Nery.

Ilan sa mga sikat niyang kanta ay ang "Pagsamo," "Higa," "Isa Lang," "Happy w u," at "Binhi" na milyun-milyon ang streams sa Spotify.

READ: Arthur Nery, natupad ang hiling na live performance sa Miss Universe Philippines 2022

Kaya noong 2022, isa siya sa mga pinangalanan ng Spotify Wrapped bilang most streamed artist sa Pilipinas dahil milyon-milyon ang bilang ng music lovers sa buong bansa na nakikinig sa mga awit niya sa lahat ng oras.

Pangatlo naman si Arthur sa listahan ng Top Male Artists na pinangunahan nina Zack Tabudlo at Justin Bieber.

Dalawa sa kanyang mga kanta, ang "Pagsamo" at ang "Isa Lang," ang kasali sa Top 5 ng music chart.

Ang COVID-19 pandemic ang dahilan kaya limitado ang live performances ni Arthur mula 2020 hanggang 2022.

Dahil maluwag na ang sitwasyon sa kasalukuyan, tinanggap niya ang alok na magkaroon ng world tour sa kauna-unahang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Canada ang unang bansa na pupuntahan ni Arthur para sa kanyang Arthur Nery World Tour 2023.

Magtatanghal siya sa Global Kingdom Ministries Auditorium ng Toronto sa Biyernes, March 10 at susundan ito ng concert niya sa River Rock Theatre sa Richmond sa Sabado, March 11, 2023.

Nakatakda naman sa March 12, Linggo, ang show niya sa Christ The Seventh-Day Adventist Church sa Edmonton, Canada.

ARTHUR NERY'S LATEST SONG

Tiniyak ni Arthur na aawitin nito sa kanyang Canadian tour ang "o ninanais," ang bagong single niya na siya rin ang composer.

Tungkol sa isang pag-ibig na lubos na tapat ang "o ninanais."

At para maiba, maliliit na letra ang estilo na ginamit ni Arthur sa pamagat ng kanta niya.

Arthur Nery

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis nitong nalampasan ang milyun-milyon na streaming mark sa loob lamang ng dalawang linggo, na patunay ng kanyang patuloy na pagsikat bilang nangugunang R&B singer at songwriter.

"I am thrilled with the nice reception that fans has given ‘o ninanais’ and I’m excited to share it with fans on tour.

"I’m grateful for the support I’ve received for my songs and I look forward to connecting with more fans across Canada," ang sabi ni Arthur na excited sa unang beses na pagtatanghal niya sa ibang bansa.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM singer Arthur Nery sa unang leg ng kanyang World Tour 2023: "I’m grateful for the support I’ve received for my songs and I look forward to connecting with more fans across Canada."
PHOTO/S: @arthurmnerry Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results