Binigyan ng babala ng television host na si Boy Abunda ang publiko na huwag paniwalaan ang mga advertisement sa Internet na ininterbyu niya si former Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay sa gitna ng kumakalat na fake news ads na kapwa nila ineendorso ang isang uri ng crypto currency investment.
Hindi lamang si Abunda ang ginamit sa fake news ads dahil pinalalabas din na kunwa'y nagbalita ang 24 Oras ng GMA-7 at CNN Philippines tungkol sa kahina-hinalang crypto currency investment.
Bukod sa mga kilalang personalidad at TV stations, ginagamit din sa panloloko ng mga tao sa likod ng crypto currency investment ang mga logo ng mga major broadsheet sa Pilipinas sa pagpapakalat nila ng maling balita.
"Ang claim po sa news ay I interviewed the former President Gloria Macapagal-Arroyo. This is not true. Ito ay isang panloloko," diin ni Abunda.
"This is not the first time that my name has been dragged into this crypto currency thing.
"May mga testimonial sa advertisement at fake news na yumaman dahil sa crypto currency, easy money ‘ika nga.
"Na diumano, natakot ang mga bangko [sa crypto currency], ayaw ilabas dahil kumita ng malaking pera si former President Arroyo. Hindi po ito totoo. This is fake.
"This is not true. And I did not do an interview with the former president,” ang paglilinaw ni Boy.
Nanawagan din si Boy sa publiko na maging maingat at huwag patulan ang fake news na ikinakalat ng mga namamahala sa crypto currency investment.
Ang motibo ng mga nagpapakalat ng pekeng ads ay manlinlang para ipagkatiwala sa kanila ang mga pinaghirapang salapi ng mga tao, na mabilis magtiwala dahil ang mga walang kamalay-malay na personalidad at television news programs ang ginagamit sa panloloko ng kapwa.
More hot stories on PEP.ph:
- Dominique Cojuangco exudes sophistication, elegance in dreamy wedding gown
- Dominique Cojuangco now married to Michael Hearn
- Ogie Diaz on alleged 40 percent cut from Liza Soberano's talent fee: “How I wish!”
- Controversial showbiz personality, isinali ang secret love child sa kiddie talent search
- "Gifted child" Shaira Luna, no regrets kahit hindi naging doctor o scientist