PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Jalosjos on Eat Bulaga! Issues

Eat Bulaga, magkakaroon ng "rebranding."
by Jojo Gabinete
Published Mar 6, 2023
bullet jalosjos eat bulaga
Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos (left) promises to answer all issues concerning TAPE Inc. and Eat Bulaga, the longest-running noontime show in the country. TAPE Inc. was co-founded by Tony Tuviera and Romeo Jalosjos (inset, top).
PHOTO/S: Facebook

#EatBulagaWar

Ilang araw nang mainit na pinag-uusapan ang sinasabing malalaking pagbabagong mangyayari sa Eat Bulaga!, ang longest-running noontime show sa Pilipinas.

Pinakamalaking usap-usapan ay ang posibleng pagkawala ng original hosts na sina dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon dahil sa loyalty nila kay Antonio "Tony" Tuviera, ang co-founder ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga.

Read: Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?

Si Tuviera at ang dating Zamboanga del Norte representative na si Romeo Jalosjos ang mga nagtatag ng TAPE Inc.

tony tuviera romeo jalosjosTony Tuviera (left) and Romeo Jalosjos (right)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Eat Bulaga! ay ang pinakamatagumpay nilang proyekto sa telebisyon na nag-umpisa noong July 30, 1979.

Read: Eat Bulaga!'s humble beginnings: "We were struggling, di kami sumusuweldo."

Si Jalosjos ang may pinakamalaking share sa kompanya, pero sa matagal na panahon, si Tuviera ang namahala sa TAPE Inc. at sa Eat Bulaga.

Hanggang kumalat noong nakaraang linggo ang balitang inilipat na ang pamamahala ng TAPE Inc. sa tatlong anak ni Jalosjos: sina incumbent Dapitan City Mayor Seth Frederick “Bullet” Jalosjos, Zamboanga Del Norte 1st District House Representative Romeo "Jon-jon" Jalosjos, Jr., at Soraya Jalosjos.

Read: Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?

Kaugnay nito, may "rebranding" na magaganap sa longest-running—44 years ngayong 2023— noontime variety show ng bansa.

Nagkaroon ng espekulasyong maaaring iwanan nina Tito, Vic, at Joey ang Eat Bulaga! kapag hindi na si Tuviera ang namamahala sa programa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?

Kahit hindi pa nagsasalita ang Jalosjos siblings, may mga nanghuhusga na sa kanila dahil sila ang napapabalitang magpapatakbo sa TAPE Inc. at sa programang mahigit apat na dekada na ang itinagal.

Blocktimer o bumibili ng broadcast air time ang Eat Bulaga! sa GMA-7.

Sa kasalukuyan, si Mayor Bullet ang direktang nakikipag-usap at nakikipagnegosasyon sa management ng GMA Network Inc.

Ngayong Lunes, March 6, 2023, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Mayor Bullet.

Ang Dapitan City mayor ang nakaupo ngayon sa board ng TAPE Inc. bilang treasurer o ingat-yaman kaya siya ang higit na nakakaalam sa financial status ng kompanya.

Para sa ikalilinaw ng mga isyu tungkol sa Eat Bulaga!, hiningi ng Cabinet Files kay Mayor Bullet ang panig nito, at nagpaunlak siyang magsalita.

Pahayag niya, “As per board, we will have a presscon soon and answer all issues facing the company.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At the same time, present new format na mangyayari agreed [upon] by all the executives.”

Nangako si Mayor Bullet sa Cabinet Files na magbibigay siya ng mga update bago mangyari ang media conference na kanilang ipatatawag, at magkakaroon ng kasagutan sa lahat ng mga isyu at kontrobersiyang kinasasangkutan ng Eat Bulaga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos (left) promises to answer all issues concerning TAPE Inc. and Eat Bulaga, the longest-running noontime show in the country. TAPE Inc. was co-founded by Tony Tuviera and Romeo Jalosjos (inset, top).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results