PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Salamat Daks, nag-number one agad sa Vivamax

Nikko Natividad, binansagang Kaldag King
by Jojo Gabinete
Published Mar 11, 2023
Salamat Daks
Salamat Daks, nag-number one agad sa Vivamax mula noong magsimula ang streaming noong March 10. Bida rito sina Nikko Natividad, Alma Moreno at Ayanna Misola.
PHOTO/S: PR

Nag-umpisa kahapon, March 10, ang streaming ng Salamat Daks at hindi nakagugulat na malaman na number one agad sa Vivamax ang sexy romantic comedy drama project ng direktor na si Bobby Bonifacio dahil nakakatawa ang mga eksena sa pelikula na pinagbibidahan nina Alma Moreno, Nikko Natividad at Ayanna Misola.

Salamat Daks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Salamat Daks ang tila sagot ni Bonifacio sa Revirginized, ang malakas ang shock value movie ni Sharon Cuneta na mula sa direksyon ni Darryl Yap at ipinalabas sa Vivamax noong August 2021.

Kung nagmumurang kamatis na nagkagusto sa isang lalake (Marco Gumabao) na halos anak na niya ang karakter ni Sharon sa Revirginized, nagparetoke naman ng mukha at katawan ang papel na ginampanan ni Alma Moreno sa Salamat Daks para mapansin siya ng kanyang pinapantasya na young social media influencer (Nikko Natividad).

Nakakaaliw ang lahat ng mga eksena nina Alma, Nikko at Ayanna sa Salamat Daks na puwedeng-puwedeng ipalabas sa mga sinehan at tiyak na marami ang mga manonood, kung aalisin ang mga naglalagablab pero wacky love scenes ng tatlong bida.

Sa kasalukuyan, ang Salamat Daks ang pinakamapangahas na pelikula ni Nikko dahil nagpamalas ito ng tapang sa paghuhubad sa mga love scene nila ni Ayanna.

Pinatotohanan ni Nikko na siya ang tunay na Kaldag King dahil bigay na bigay ang pagkaldag niya sa mga eksena na magkasama sila ni Alma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang boses ni Alma ang ginamit sa lahat ng mga linya ni Ayanna at pulido ang pagkaka-dub niya dahil sa kagustuhan ni Bonifacio na ipaalaala sa lahat na kahit magparetoke ng katawan at mukha ang isang tao, hinding-hindi magbabago ang kanyang boses.

Bidang-bida sa Salamat Daks si Nikko na puwede nang angkinin na suwerte sa kanya ang 2023 dahil sunud-sunod ang mga proyekto niya sa pelikula at telebisyon.

Mapapanood si Nikko sa Kurdapya, ang sitcom ng TV5 at Viva Television na magsisimula sa March 18 at kasama rin siya sa upcoming comedy movie na Working Boys.

Dati-rati, ang kapwa former Hashtags member ni Nikko na si Wilbert Ross ang madalas na bida sa mga sexy comedy movie ng Vivamax.

Wilbert Ross

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit sinasabing walang rivalry sa pagitan ng dalawa, hindi maiiwasang hindi sila pagkumparahin dahil mas matapang sa paghuhubad at higit na palaban si Nikko sa paggawa ng mga maseselan na eksena na pinatunayan niya sa Salamat Daks.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Salamat Daks, nag-number one agad sa Vivamax mula noong magsimula ang streaming noong March 10. Bida rito sina Nikko Natividad, Alma Moreno at Ayanna Misola.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results