"minimum effort, maximum impact."
Ito ang description ni Ryan Agoncillo sa "nude photo" ng kanyang Eat Bulaga! co-host na si Paolo Ballesteros.
Si Ryan ang photographer ng litrato ni Paolo na ipinost ng mister ni Judy Ann Santos sa Instagram.
Kinunan ni Ryan ng litrato si Paolo habang nasa dressing room ng Eat Bulaga!, naglalagay ng kilay, gamit ang eyebrow liner.
Boots lamang ang suot ni Paolo.
Malakas ang dating ng nude photo ni Paolo na hindi malaswa sa paningin at umani ng mga sari-saring reaksiyon na positibo lahat.
Hindi planado ang pagpapakuha ni Paolo ng larawan dahil natiyempuhan lamang siya ni Ryan sa ganoong sitwasyon.
“Yeah, ang galing ni Ryan,” sagot ni Paolo nang purihin ng Cabinet Files ang mala-Hollywood artistic shot ni Ryan sa kanyang black-and-white photo.
Walang malalim na dahilan ang paghuhubad ni Paolo sa dressing room ng Eat Bulaga!.
Simple lang ang rason na sinabi ni Paolo nang maabutan siya ni Ryan na walang saplot: “Pinaplantsa ko yung suot ko.”