PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vitto Marquez supports Angelic Guzman

Vitto, mana raw sa nanay niyang si Alma Moreno
Published Mar 26, 2023
Vitto Marquez
Angelic Guzman
Vitto Marquez (left), todo suporta sa showbiz career ng girlfriend niyang si Angelic Guzman (left and right) at sila ang magkatambal sa pelikulang Working Boys 2 ng Viva Films.
PHOTO/S: @itsangelicguzman on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Vitto Marquez sa girlfriend niyang si Angelic Guzman dahil buung-buo ang suportang ibinigay nito sa kanya nang magkaroon siya ng depresyon noong matindi ang epekto ng coronavirus pandemic sa buong mundo.

Ang unconditional love at pag-aalaga sa kanya ni Angelic ang dahilan kaya suportado ni Vitto ang pagpasok ng girlfriend niya sa showbiz.

Eighteen years old si Angelic noong unang subukan nito ang kapalaran niya sa entertainment industry noong 2019 sa pamamagitan ng pagsali sa Season 7 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Kabilang si Angelic sa Top 16 contestants ng StarStruck 7 at hindi man pinalad na manalo, nakita ng Viva Artists Agency ang kanyang potensyal kaya pinapirma siya ng build-up contract.

Ang Working Boys 2 ang unang proyekto ni Angelic sa Viva Films at ang kanyang real-life boyfriend ang kapareha niya rito.

“I really appreciate her. Magti-three years na ang relationship namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya ang partner ko sa Working Boys 2 and this is her first movie. Kami ang tandem but we both agree na kung ano yung projects na ibibigay ng Viva, you have to do it kasi as an actor, kung ano yung ibigay sa iyo, nagustuhan mo ang istorya, gawin mo.

“Masaya ako dahil kasama ko sa set ang loved one ko. Siyempre, gina-guide ko rin siya.

“Ang sabi ko sa kanya, ‘just be you.’

“Kung ano ang character mo, ilagay mo sa sarili mo, ‘tapos ikaw ang gumawa ng dynamics kasi kapag ako ang gumawa ng dynamics, robot ka na,” ang kuwento ni Vitto tungkol sa pag-aartista ni Angelic at ang pagpayag niya na magpaseksi sa pelikula ang kanyang girlfriend.

“Pinag-usapan namin, I think she would do sexy pero seksi na parang Lovi Poe. Okay lang sa akin. It’s up to her, to be honest.

“Siyempre sa side ko masakit. Parang naiilang ako pero that’s reality, e. You can’t stop a person from doing what she wants kasi may sarili siyang utak. May sarili siyang gusto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin naming ito tungkol sa pagiging one-woman man niya, sinabi niyang mana siya sa kanyang ina na si Alma Moreno, pero may depensa naman siya para sa tatay niyang si Joey Marquez.

“Mana ako kay Mama. Si Daddy kasi, he’s mistakenly ‘playboy’ pero sobrang bait lang niya talaga.

“Like sabi nga ni Mama, hindi naman guwapo si Daddy, e. Yung charisma niya, how he brings himself, yun ang inspiration ko. Gusto kong maging ganoon. Kung paano niya dinadala ang sarili.”

Seryoso si Vitto sa kanyang paniniwala na kapag lumagay siya sa tahimik, dapat na pang-habambuhay ito dahil malaki ang pagpapahalaga niya sa pamilya.

Ibinigay na halimbawa ni Vitto ang kanyang nakatatandang kapatid na si Yeoj na meron nang sariling pamilya at kinahuhumalingan niya nang husto ang nag-iisang anak.

“Kapag dumating na yung isang baby na anak mo, focus na dun.

“Nung nagkaroon nga ng anak ang kuya ko, parang naiyak ako kasi another generation of the Marquez. Ayokong bitawan kapag nandoon ako sa bahay nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto kong maging good father. Ayokong sabihin ngayon na I’m a good father kasi wala pa naman akong anak. I want to be a good father.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vitto Marquez (left), todo suporta sa showbiz career ng girlfriend niyang si Angelic Guzman (left and right) at sila ang magkatambal sa pelikulang Working Boys 2 ng Viva Films.
PHOTO/S: @itsangelicguzman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results