Nagwakas na ang paghahanap ng St. Petersburg Police sa Florida, USA, kay Taylen Mosley, ang two-year-old boy na iniulat na nawawala mula pa noong Miyerkules, March 29, 2023.
Natagpuan nila ang bangkay ng bata sa loob ng bunganga ng isang buwaya.
Kinumpirma ng St. Petersburg Police Department ang kanilang kalunus-lunos na natuklasan sa kanilang official Facebook statement noong Abril 1, 2023.
Nakasaad dito: “This evening, the body of missing two-year-old Taylen Mosley was found in Lake Maggiore.
"Tonight, Chief Holloway confirmed the bad news, 'It is with great sadness that I have to tell you that we found the body of Taylen Mosley. My condolences to his family.'
“All search efforts for the weekend are canceled. The child had been missing since his 20-year-old mother, Pashun Jeffery, was found stabbed to death in her St. Petersburg apartment Thursday afternoon, March 30th. A major search was launched using all the Department's resources and the assistance of many local, state and federal agencies.
“The investigation led detectives to search Dell Holmes Park, 2741 22nd Street South, and Lake Maggiore. After spending all day searching the area, this evening officers were alerted to an alligator seen with something in its mouth. The alligator was killed in order to retrieve the body, confirmed as that of Taylen Mosley. The medical examiner will determine what caused his death.”
Inanunsiyo ng St. Petersburg Police na suspek sa pagpatay kay Taylen at sa nanay niya ang kanyang ama na si Thomas Mosley, na sinampahan na ng two counts ng first-degree murder.
Nawala si Taylen matapos matuklasang pinatay sa saksak ang kanyang ina sa apartment na tinitirhan nila.
THE LOLONG CASE
Hind ang masaklap na nangyari kay Taylen ang unang kaso ng tao na kinain ng buwaya.
Nangyari na ito sa Bunawan, Agusan del Sur, sa Pilipinas labindalawang taon na ang nakalilipas.
Ang buwayang si Lolong ang pinaghihinalaang kumain sa mangingisdang nawala at sa 12-year-old girl na natagpuan ang ulo sa Bunawan creek noong 2009.
Nong June 2012, idineklara ng Guinness Book of World Records si Lolong bilang "world’s largest crocodile in captivity" dahil sa sukat niya na 6.17 m o 20 ft. 3 inches.
Lolong ang ibinigay na pangalan sa buwaya bilang pagkilala kay Ernesto “Lolong” Goloran Coñate, ang veteran crocodile hunter ng Palawan Crocodile and Wildlife Reservation Center na nanguna sa pagtugis kay Lolong. Binawian siya ng buhay dahil sa atake sa puso ilang araw bago nahuli ang kanyang tukayo.
Coincidentally, heart attack din ang ikinamatay ng buwayang si Lolong noong February 10, 2013. Tinatayang mahigit sa limampung taon ang kanyang edad nang bawian ng buhay.
Isang dekada na ang nakalilipas buhat nang mamatay si Lolong, pero buhay na buhay ang kanyang labi na napanatili ng taxidermy at naka-display sa Philippine National Museum of Natural History sa Maynila.

Si Lolong ang main attraction sa 5th floor ng museo at personal namin itong nasaksihan nang magsadya kami sa Philippine National Museum of Natural History kahapon, April 2, na walang entrance fee at dinudumog ng ating mga kababayan kahit araw ng Linggo.
