PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang-K concert Organizer nagkansela daw sila sa Concert

“Hi, ask them. I didn’t cancel, it’s them.”
by Jojo Gabinete
Published Apr 3, 2023
pokwang k brosas concert
Sino nga ba ang nagkansela ng concert nina Pokwang (in green gown) at K Brosas (in yellow gown) sa Las Vegas nitong April 2, 2023?
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram

Naging masalimuot ang kuwento ng kanselasyon ng BFF concert nina K Brosas at Pokwang sa Diversion Amusements sa Las Vegas, Nevada, USA noong April 2, 2023.

Read: Las Vegas concert nina Pokwang at K Brosas kinansela; na-ghosting ng producer?

Ito ay dahil sa sagot ng U.S.-based concert producer na si Vince Gesmundo ng Vynz Muzik LLC nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, April 3, 2023 (Philippine time).

“Hi, ask them. I didn’t cancel, it’s them,” maiksing sagot ni Gesmundo nang hingin namin ang panig niya tungkol sa hindi natuloy na concert nina K at Pokwang.

Maituturing na kontrobersiyal ang pahayag ni Gesmundo.

Kung totoo man ang kanyang akusasyon, sina K at Pokwang ang maaaring mapagbalingan ng hinanakit ng mga bumili ng tickets dahil walang katiyakan kung mababawi pa nila ang mga pera na kanilang ibinayad.

Hindi na sumagot sa aming mensahe si Gesmundo — na karapatan din niyang ipaalam sa publiko ang tunay na nangyari sa kanselasyon ng show nina K at Pokwang — kaya hindi na rin nasagot ang kanyang makahulugang Facebook posts:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vince gesmundo post

vince gesmundo post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna nang humingi ng paumanhin si Pokwang sa lahat ng mga bumili ng tickets pero nabigong mapanood ang show nila ni K.

Naglabas din si K ng saloobin sa kanyang Instagram page.

Aniya: “Nakakaiyak.. now lang nangyari sa akin/amin to sa tagal na namin nagto- tour. At nakakahiya sa mga nakabili na ng tix..

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"pero wala po kaming magagawa as performers.. pasensya na po.. pakibasa na lang po maigi mga kakulto dito sa Las Vegas."

Ibinahagi rin ni K sa kanyang Instagram ang opisyal na pahayag ng LX2 Entertainment Corp., ang promoter ng BFF:

Mananatiling bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig na mga pangalan sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino nga ba ang nagkansela ng concert nina Pokwang (in green gown) at K Brosas (in yellow gown) sa Las Vegas nitong April 2, 2023?
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results