Napangiti at kinilig si Cindy Miranda nang mapanood nito sa kauna-unahang pagkakataon ang official trailer ng Adik Sa’Yo dahil nabigyan siya ng proyekto na hindi niya kailangang magpaseksi.
Isang romance drama comedy ang Adik Sa’Yo, si JM de Guzman ang kapareha ni Cindy na masaya dahil nagawa niya na “i-reinvent" ang sarili.
“Masaya po ako because that’s really the plan. Ang feeling ko, ang dami kong liko na ginawa. Ang dami ko pong pinagdaanan.
“People thought na lumitaw na lang ako bigla. They don’t know what I’ve been through and sobrang thankful ako kay God na kahit minsan naiinip ka na.
“Parang, ‘Bakit ho ganoon? Bakit nandito pa rin ako hanggang ngayon?’
“Kasi wala na yung kasabayan mo. Nandoon na sa itaas,” ang rebelasyon ni Cindy na naniniwala ngayon na dumarating sa tamang panahon ang katuparan ng lahat ng kanyang mga pangarap.
“Parang ang feeling ko, tama yung timing, e. Palaging may plan. Kailangan mo talagang daanan yung sakit, yung hirap.
“Feeling ko preparations din iyon. Masaya ako ngayon dahil lahat ng hirap ko, lahat ng sakit, nakatulong sa pag-arte ko. Grabe yung tulong kasi kailangan ko lahat iyon.
“Kailangan totoo lahat. Hindi ka makakahugot sa sarili mo nang hindi mo pa nae-experience and I’m so glad.
“Ayoko na pong daanan yung mahirap pero talagang ganoon. Palaging may mahirap sa buhay.
“I am just so thankful and I’m still willing to experience whatever para sa mga pangarap ko.
"Kaya natutuwa ako na paunti-unti, nabibigyan po ako ng opportunities, may mga tao na nagtitiwala sa akin at may mga nakakatrabaho ako na akala ko, hindi mangyayari.”
Ang Adik Sa ’Yo ang unang proyekto na pinagsamahan nina Cindy at JM kaya normal na hindi sila agad naging kumportable sa isa’t isa.
Hindi man sila masyadong nag-uusap ni JM sa set ng kanilang pelikula, masaya si Cindy dahil sa mga natutunan niya nang gawin nila ang Adik Sa ’Yo.
“Masaya po ako dahil marami akong natutunan. Yun po ang pinakamahalaga.
“First time namin ni JM na mag-meet sa look test namin. Pareho kaming tahimik, pareho kaming may sariling mundo. Yun po ang totoo.
“Hindi po kami nag-uusap sa set pero kapag take na, take na. In character na kami.
“Maganda po talaga yung script pero ang hirap talagang magpatawa. Ang nasa isip ko palagi, yung natural lang. E di magiging natural din ang reaksyon mo.
"Hindi po kasi ako comedic. I am not like Booba. I cannot be like them.”