PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Limang OFW sa UAE arestado sa viral TikTok video

"Sige TikTok. Sinabi nang tigilan niyo ‘yan," sabi naman ni Arnell Ignacio.
by Jojo Gabinete
Published Apr 9, 2023
Arnell Ignacio and OFWs.
"Sige TikTok. Sinabi nang tigilan niyo yan. O ngayon, siyempre to the rescue na naman kami. Tigas ng ulo niyo!" nasambit na lang ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief na si Arnell Ignacio nang malaman ang dahilan ng pagkakaaresto sa limang OFWs sa UAE. Dalawa sa limang OFW ang nasa larawan sa kanan at naka-blur para protektahan ang kanilang katauhan.
PHOTO/S: Jerry Olea (Arnell) / TikTok (OFW)

Muling pinaalalahanan ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Head Arnell Ignacio ang Overseas Filipino Workers (OFW) na maging maingat sa paggamit ng social media dahil sa kaso na kinakaharap nina Rolando Morales, Tristan Ibarra, at tatlo pa nating mga kababayan na nagtatrabaho sa Sharjah, United Arab Emirates (UAE).

Inaresto ng Sharjah Police ang limang Pilipino dahil sa kanilang TikTok video na in-upload noong Marso 12, 2023.

Mapapanood sa controversial TikTok video ang pagbibiruan sa wikang Arabic at English ng mga akusado na “ibinebenta" ang kanilang mga sarili sa murang halaga.

“This is showgirl. O see? They have no customer, no show today. This is ate. This is new girl, fresh from the Philippines,” ang bahagi ng biruan ng mga OFW na napagbintangang mga prostitute at nagbebenta ng panandaliang-aliw.

OFWs who were arrested in UAE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-viral ang video na mabilis na nakarating sa kaalaman ng mga awtoridad sa Sharjah kaya dinakip ang mga OFW.

Mahigpit na ipinagbabawal at itinuturing na krimen sa Middle East ang prostitution, kaya kinasuhan agad sila.

Mula sa misdemeanor, felony ang kaso na isinampa laban kay Morales at sa mga kapwa nito akusado, ayon sa Sara Advocates, ang legal retainer ng Philippine Consulate General sa Dubai.

“Kapag ganitong criminal na ang nature, the Migrant Workers Office [MWO] will take charge,” pahayag ni Arnell.

Nang malaman niya ang kung bakit hinuli ang limang OFW na ngayo'y humihingi ng tulong mula sa pamahalaan ng Pilipinas, napakomento si Arnell ng, “Hay, hay kayong lima. Sige TikTok. Sinabi nang tigilan niyo ‘yan. O ngayon, siyempre to the rescue na naman kami. Tigas ng ulo niyo!"

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na nakakulong ang limang akusado at naghihintay na lamang sa araw ng kanilang paglilitis sa Sharjah Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Limang taon na pagkakakulong ang posibleng ipataw sa akusadong Pilipino kapag napatunayang lumabag sila sa cybercrime law ng UAE.

Ipinaaalala ni Ople sa lahat ng mga OFW na mahigpit na ipinatutupad ng UAE ang kanilang cyberlaw at mataas ang pagpapahalaga nila sa moral, tradisyon, at kultura kaya dapat na igalang ito ng mga Pilipino.

Hindi lamang ang problema ng limang OFW ang tinututukan ng tanggapan ni Ople.

Dahil pumirma ito ng kasunduan sa mWell, ang kauna-unahang fully integrated at fully digital health and wellness app sa Pilipinas para sa global healthcare ng mga manggagawang Pilipino at ng kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng digital healthcare, magbibigay ang mWell sa mahigit sa 1.8 milyong OFW ng access sa mga doktor ng pamilya, mga espesyalista, at mga eksperto sa kalusugan ng isip.

Saan mang panig ng mundo ang kinaroroonan ng mga OFW, maaari silang pumili sa mWell app at komunsulta mula sa daan-daang highly-trained Filipino speaking partner-doctors na mga espesyalista sa internal medicine, cardiologist, endocrinologist, ophthalmologist, at marami pang iba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“mWell was born because of our strong sense of commitment to bring accessible and affordable healthcare closer to every Filipino anywhere in the world.

“Our partnership with the Department of Migrant Workers allows us to give back to our OFWs by providing them world-class service that they truly deserve,” paliwanag ni mWell President and CEO at MPIC Chief Finance, Risk and Sustainability Officer Chaye Cabal-Revilla.

“Ang dream ko rin kasi, kapag may nararamdaman ang isang OFW, siyempre ang gusto niya, ang makakausap niya, Pilipino.

“Partnerships with the private sector are particularly important. Government can only do so much.

“You have to also reach out and draw in as many private sector partners as possible, not for anything else, but to make the OFW, na at his or her greatest need, hindi sila nag-iisa.

mWELL President Chaye Cabal-Revilla and Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople during the partnership contract signing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s why we appreciate the partnership through the MOA [Memorandum Of Agreement] that we signed with mWell so that they will have an app and yung OFW in Hong Kong, in Bahrain, in Saudi, or in Europe, and even aboard ships can contact doctors through the app.

“Just the knowledge na may sasagot speaking the same language, malaking bagay na yun. Technology and partners like mWell, and of course the expertise of our doctors—these are the ingredients of what an essential public service program will be all about.

“Government cannot do it alone. But it’s the aspiration to do what’s best for the OFWs—that aspiration is the glue that binds this partnership together,” ang sabi ni Secretary Ople sa contract signing ng Department of Migrant Workers at mWell.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sige TikTok. Sinabi nang tigilan niyo yan. O ngayon, siyempre to the rescue na naman kami. Tigas ng ulo niyo!" nasambit na lang ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief na si Arnell Ignacio nang malaman ang dahilan ng pagkakaaresto sa limang OFWs sa UAE. Dalawa sa limang OFW ang nasa larawan sa kanan at naka-blur para protektahan ang kanilang katauhan.
PHOTO/S: Jerry Olea (Arnell) / TikTok (OFW)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results